Chapter 25

30 3 0
                                    

RANGELO'S POV

Nandito ako ngayon sa bahay nina Yannie. Well, nandito ako minsan. Minsan naman siya yung nasa bahay namin. Fianceé ko si Yannie. Malapit na rin kaming magpakasal. Next month na rin. Since, dati ko pa siya naging fianceé, 1 year ago na yun. Nakaupo ako dito sa sofa nila ng may tumawag sakin.. Napatingin naman ako kung sino yun.. Si Nics. Bakit niya ako tinawagan? Sinagot ko na yung tawag niya.

"Hello? Rangelo. Hayy. Thank God sinagot mo. May gusto lang akong itanong sayo." sabi sa akin ni Nics.

"Ano naman yun?" tanong ko.

"....." di ko na naintindihan yung sinabi niya kasi bigla akong kinausap ni Yannie.

Pinatay ko na agad yung phone ko. Selosa kasi etong si Yannie. Hehe. Fianceé ko na't lahat tapos nagseselos pa rin siya. Hahay.

"Hey." sabi ko.

"Tara na. May lakad pa tayo diba. Let's go." sabi niya.


Pero paalis na sana kami ng may nagdoorbell. Nagkatinginan kaming dalawa kung sino yun. Lumabas kami pareho ng makita namin si...

"Roe? Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Yannie.


Kung nagtataka kayo kung bakit namin kilala si Roe. Well, naging kaklase ko yan si Roe. Nung highschool na kami. Kaklase ko din itong si Yannie noon. Di ko nga lang alam na siya pala makakatuluyan ko e.



"I want to ask a favor." sabi ni Roe. Sincere siya... Mukhang..


"Anong favor?" sabay na tanong namin ni Yannie.


"Wag niyong sasabihin kay Nics at Gelo yung totoo. Naalala niyo ba yung lola ni Nics na pumunta dito?" tanong niya.


"Oo. Naalala namin. Hiniram niya yung isang maliit na copy nung pic namin ni Rangelo nung nagpropose siya saken. Bakit?" tanong ni Yannie.



"Ako ang nag-utos sa kanya nun. Pinaedit ko yung pic para maging si Nics." sabi ni Roe.


"Ano?! Bakit?" tanong namin ni Yannie.

Napa-isip naman ako bigla... Bakit naman gagawin ni Roe yun.. Iisa lang ang ibig sabihin nun.. Bago pa makapagsalita si Roe, inunahan ko na siya.

Ahhh. Alam ko na.. Ginawa mo yun para sirain ang relasyon nila ni Gelo." sabi ko.

"Oo. Yun na nga yun. Kasi gusto kong mapasakin si Gelo. Kaya please... Wag niyo nalang sabihin sa kanila yung totoo." pagmamakaawa niya samen.



"Hindi ko kayang gawin yan Roe. Kaibigan ko si Nics. At hinding-hindi ko magagawa yan." sabi ko.


"Pwes. Kung hindi niyo magagawa.. Sisirain ko din ang relasyon niyo ni Yannie. Paghihiwalayin ko kayo." sabi ni Roe. Naiinis na ako sa kanya. Nangblackmail pa.



"No! Hindi pwede! Pero.... Sige. Payag na kami." biglang sabi ni Yannie na ikinagulat ko.


Bago pa ako makapagsalita tinakpan ni Yannie yung bibig ko.

"Good. Pero once na sinabi niyo.. Well, sorry to say. You don't know what I can do." nakangising sabi ni Roe at umalis na.

Pagkaalis na pagkaalis ni Roe...



"What the heck?! Yannie! Bat mo ginawa yun?!" sigaw ko sa kanya.


Kita ko namang naluluha siya. Ahhh... Shete. Naguguilty tuloy ako. Arghhh.


Getting Back Together (Book 2 of AFMS -Awake From My Sleep)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon