Chapter 14

39 2 0
                                    

NICS POV

Nakauwi na kami dito sa bahay. Nakatulog na din si Gelo sa byahe. Kaya naman pinabuhat ko na siya kayna Jude sa kwarto ko. He is really drunk. Ang baho na niya. Papalitan ko na siya ng damit nung bigla siyang napatayo at tumakbo papunta sa CR at nagsuka. Omaghad. Ang baho talaga. Binuksan ko yung aircon sa room at niligyan ng air freshener yun. Well, sa sobrang baho nung suka niya naamoy ko na din hanggang dito. Baka himatayin ako dito ng wala sa oras. Bumalik na siya sa kama at humilata na.

*face palm*

"Mon destin. Pwede ba. Usong magpalit ng damit. Ikaw na kaya gumawa nun ang laki mo na." sabi ko.

Wala siyang sinagot. Umikot lang ulit siya. Haist. Nakakainis naman tong lalaking toh. Anlaki laki na ehh. Tinary kong tanggalin yung damit niya. Kumuha akong damit niya dito sa drawer. Meron kasi siyang damit dito. Pero di ganun kadami. Pahkakuha ko inupo ko siya. Well, hawak-hawak ko yung braso niya at the same time yung isa ko kamay sinusuotan siya ng damit. Haysss. Hirap na hirap na ako dito. Buti nalang napalitan ko na din siya ng damit. Kapagod. Humiga na rin ako. Grabeeee. Naguguluhan ako sa mga nangyari ngayong araw na toh. Bakit ba sinuntok ni Gelo si Rangelo? Kinakausap lang naman ako nung tao. Wala namang masama dun.

Nagulat ako nung biglang nagring yung phone ko. Unknown number. Sinagot ko nalang yung phone call.

"Hello? Sino toh?" tanong ko.

"Nics, Rangelo toh. Nakauwi na kayo?" pag-aalalang tanong niya.

"Yea. Nakauwi na kami. Bakit ka napatawag? Pano mo nga din pala nakuha cp number ko?" tanong ko.

Nagulat naman ako nung biglang gumalaw si Gelo at nakaharap siya saken ngayon sobrang lapit ng mukha namin sa isa't-isa. Di ko magawa na makapagsalita ulit.

"Long story." sabi niya.

Hindi ako sumagot. Bigla nalang naputol yung phone call. Hayy. Iikot sana ako sa kabilang side nung niyakap niya ako. Shete naman! Hanggang ngayon! Pilit kong dahan-dahan alisin yung pagkakayakap niya pero lalong humihigpit at lumalapit yung mukha namin sa isa't-isa. Ugh! I give up! Kaynis. Nics, ipikit mo nalang yang mga mata mo at matulog ka na. Ginawa ko na yun and... Nagulat ako kasi...

Hinalikan niya ako....

Feeling ko gising toh. Natulak ko soya ng wala sa oras pero mahina lang kaya nagising siya. O sadyang gising siya.

"Mon destin. Can we please... Matulog na lang tayo." sabi ko.

Tinitigan niya lang ako. Hindi siya sumagot. Argh! Para akong nakikipag-usap sa hangin. Kaynis. Tumalikod nalang ako at natulog na. Hayyy.

***

Ahhh! Letse! Sino ba yung nasigaw na yun. Ang ingay, ang aga-aga naman ehh.

"Hoy! Gising na Mr and Mrs De Guzman. Nilalanggam na yung kama niyo oh." sabi ni Bea nakatayo malapit sa may pinto.




Getting Back Together (Book 2 of AFMS -Awake From My Sleep)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon