MILCS' POV
Napabalikwas ako sa kama ko nung nagring yung alarm clock. 5:00 na pala. Tumayo na ako at naghanda na. Bumaba na ako at nakita ko si Nics na nasa kitchen, gumagawa ng cappuccino. At mukhang malalim ang iniisip ni BANGAG. Oo, BANGAG. HAHA! Palagi naman kasing lutang yan si Bessie.
"Hoy. Bessie. Lalim ata ng iniisip mo." napatingin naman agad siya sakin pagkasabi ko nun.
"Good Morning ha. Good morning. Hayys." sabi niya in a sarcastic way. Kaloka toh.
"Ano ba kasi yang iniisip mo? Best friend mo ako. I deserve to know. Baka makatulong ako." sabi ko sa kanya.
"Hayys. Iniisip ko lang naman yung isasampa naming kaso kay Roe. Di ko alam kung ano na gagawin ko. Kasi, baka bigla niya.. Ugh. Di natin alam kayang gawin ni Roe. Plus, paano kung nalaman niya na alam na natin? Na nandito na si Gelo sa bahay? We need to be ready in case. Kahit kayo. Ayokong madamay pati kayo." sabi niya. At mukhang sobrang depressed si Best friend.
"Nics. Tandaan mo toh. Magbest friend tayo. Magkakaibigan tayong LP at tropa. Kahit ano pa yan, magtutulungan tayo. That's what friends are for? Right? Magtutulungan tayo." sabi ko. Lumapit siya sa akin at niyakap ako.
"Thank you Milcs. You really, are my BESTEST FRIEND. Natutuwa ako dun. Thank you. Super." sabi niya sakin. I hugged her back.
"Anything for my Bessie." sabi ko ng may kasamang ngiti sa mukha ko.
"You should go and get ready. Madami pa kayong aasikasuhin ni Gelo. Kaya go na." sabi ko sa kanya. Tumango naman siya at umakyat na sa taas after niyang inumin yung cappuccino niya. Siguro ay gigisingin niya na si Gelo.
Kumain nalang ako ng almusal ko, maya-maya nagulat ako ng may yumakap sakin. Si.. DJ lang pala. Sa ngayon?? Stay strong pa din kaming dalawa. Masaya ako kasi wala ng abala pa sa buhay samin. Sana ganun din sina Nics at Gelo. Para wala na silang poproblemahin pa. I know, na balang araw, magiging hayahay na sila at wala na silang iintindihin kundi ang future nilang dalawa. I know na sila ang magkakatuluyan sa huli. Hindi naman sa manghuhula ako pero, halata naman na sila na sa dulo diba? After ng mga nangyaring pagsubok sa kanila.. STAY STRONG pa din sila. Feeling ko mapapatunayan nilang may FOREVER sa isang relasyon. Lalo na't may tiwala din sila sa isa't-isa, at walang pataasan ng pride sa kanilang dalawa. I'm so happy for them. Sana nga ay sila na talaga sa dulo.
"Milcs, nakikinig ka ba sa sinasabi ko?" nabalik na ako sa realidad nung sinabi yun ni DJ sakin.
"H-Ha? Ayy. Sorry, actually, hindi eh. May naiisip kasi ako." sabi ko sa kanya. Napailing nalang siya.

BINABASA MO ANG
Getting Back Together (Book 2 of AFMS -Awake From My Sleep)
General FictionThe continuation of the story of the two main characters... Nics and Gelo. Are they really DESTINED for each other? Let's see.