NICS POV
"Sige. Alis na ako. Nics. Hihintayin kita dun. Utos ni daddy toh. Nandun din siya ngayon." sabi ni Gelo.
"Sige. Ako na bahala." sabi niya.
Umalis na din siya. Naiwan naman kami ni Jason dito.
"Hmmm... So lem'me guess... Papupuntahin ka niya dun kasi.." pinutol ko na yung sinasabi niya at nagsalita na ako.
"Jason. About business. Sabi yun nung daddy niya, wala aking magagawa. Punta nalang ako dun mamaya. Sumama ka na, since secretary kita." sabi ko.
Lumabas na ako at pumunta dun sa labas at nagpahangin muna.
Napatingin ako sa isang gilid at nakita ko si Gelo nakaupo dun sa parang fence nung mga halaman sa gilid. Ang hirap iexplain kung ano yun, basta. Hahaha!
Sakto naman napatingin siya sa akin. At lumapit siya.
"So.. Nics. Papunta ka na ba sa DGC? Sabay na tayo." sabi niya.
"Hindi. Nagpapahangin lang ako. Medyo nastress ako ehh.. Mamaya na ako pupunta. Mauna ka nalang dun." sabi ko.
"Hmpff. Hinde. Dito muna ako. Ang sarap kasi ng hangin dito. Hehe." sabi niya.
Ngumiti lang ako.... Maya-maya...
"Nics. Uhmm.. Pwede ko na ba ituloy yung dapat kong tanungin?" tanong niya.
"O? Ano ba yun?" tanong ko.
"Nics. Ano bang nangyare sa atin? Tayo pa rin ba? Ano?" tanong niya.
"Gelo... Hindi ko alam. Hindi ko talaga alam." sagot ko.
"Edi ano na? Wala na? Start over?" tanong niya.
"Gelo... Sasusunod nalang natin pag-usapan yung tungkol sa atin. Please.. Wala lang talaga ako sa mood. Pumunta nalang tayo dun sa company niyo. Antagal na ata naghihintay nung daddy mo." sabi ko.
Tumungo nalang siya at pumunta na kami dun. Pagpasok na pagpasok namin..
"Good morning sir, ma'am." sabi nung mga staff.
"Good morning." sabay na bati namin.
Pumunta na kami sa office niya kung saan naghihintay yung daddy niya.
"Miss. Alversado buti nakarating ka." sabi nung daddy niya.
Tumango lang ako.
"Bakit niyo po ba ako pinapapunta dito? Ano po bang pag-uusapan natin?" tanong ko.
"Gusto ko sanang mag-offer sayo ng partnership with De Guzman Corporation. Yung magiging mag-partners kayo ng anak ko. Magiging magkakampi ang DGC at ang AE. Alam kong magaling kang CEO ng AE. And so... Tatanggapin mo ba ito? Para din sayo toh. Mas malaki ang kikitain niyo. Maghahati kayo ni Angelo sa kikitain ng kompanya." sabi niya.
Ano?! Kami?! Kami ni Gelo?! Magiging partner?! Hindi ata pwede yun... Napag-aralan ko na din toh. Pero...
"Sir. pag-iisipan ko po. Kasi po.. Parang ang hirap naman nun." sabi ko.
"Iha. Walang mahirap. Alam kong sobrang kilala mo na yang si Angelo at mapagkakatiwalaan mo yan. Kaya pumayag ka na. Ikaw ang CEO. Nasasayo ang desisyon. Isipin mong mabuti kung ano ang mabuti para sa kompanya mo at nung amin." sabi nung Daddy ni Gelo.
BINABASA MO ANG
Getting Back Together (Book 2 of AFMS -Awake From My Sleep)
Fiction généraleThe continuation of the story of the two main characters... Nics and Gelo. Are they really DESTINED for each other? Let's see.