NICS' POV
7 years passed...
"Mommy! Mommy! Si Kuya Zeyd po ayaw po ako pahiramin ng xbox." pagsumbong sakin ni Skyler bunso namin ni Gelo.
"Tell your dad baby." sabi ko. Takbo naman agad siya papunta kay Gelo. At nagsumbong.
Nagbabake ako ng merienda namin dito sa kitchen. After mabake nung ginawa kong cupcakes sakto namang dumating si Jaiza, pangalawa namin ni Gelo.
"Mommy? Can we go to the bookstore later? I don't have books to read na eh." sabi sa akin ni Jaiza.
"Ok. Later. Tawagin mo na Daddy mo at mga kapatid mo at kakain na ng merienda." sabi ko.
Tumango naman siya at tinawag na sina Gelo.
Nung nandito na sila sa may dining na kakatapos ko lang ihanda ang lamesa..
"Wow! Galing naman ng maganda kong asawa magbake ng cupcakes." sabi ni Gelo.
"Wehhh??? Ang galing mong mangbola. Baka naman joke lang yan na maganda ako para sabihan mo akong magbake ulit." sabi ko na natatawa.
Natawa naman siya sa sinabi ko. Tsss. Joke nga. Abno talaga toh.
"Wow mommy! Its masarap po." sabi ni Skyler.
"Talaga baby? You like it?" tanong ko.
"Yes mommy!" sabi ni Skyler. Natuwa naman ako. Hahaha!
Kung nagtataka kayo kung sino-sino mga anak namin.. Well eto sila.. Una si Zeyd De Guzman. January 5 siya ipinanganak. Mga 7 years old na siya, as well as Jaiza kambal niya si Zeyd, mas nauna lang ilabas si Zeyd kaysa sa kanya. Pero di sila ganun magkamukha. Si Zeyd tahimik, mahilig maglaro ng xbox, nagbabasketball, matalino din, pamysterious type, at magaling din siya magguitara. Si Jaiza Mei De Guzman naman yung sumunod, matalino, mabait, friendly, mahinhin, mahilig magbasa, magaling kumanta, marunong tumugtog ng ukulele at piano. At ang bunso, si Skyler. Skyler Angelo De Guzman. 6 years old na siya ngayon. Pinanganak siya nung May 7. Makulit siya, medyo matakaw mana sa tatay, nagbabasketball din, mabait, matalino, at malambing yan samin. Ayan silang tatlo. Si Jaiza lang yung pinakamaraming nakuha sakin eh. HAHAHA. At isa pa.. Lahat sila gwapo at maganda. HAHAHA! Pano ba yan?? HAHA!
BINABASA MO ANG
Getting Back Together (Book 2 of AFMS -Awake From My Sleep)
General FictionThe continuation of the story of the two main characters... Nics and Gelo. Are they really DESTINED for each other? Let's see.