Chapter 22

29 3 0
                                    

NICS' POV

I really can't believe it! Engage na ako kay Gelo. Wahhhh!!!! Malapit na akong maging Mrs. De Guzman. Sana naman walang tutol diba. Kasi kung meron sasapakin ko. Ngayon na. Tsk. Hahahaha. Charot lang. Nakauwi na kami ngayon sa bahay ko after nung proposal niya. And nakakain na din kami agad, parang celebration. Nakakaloka lang naman kase. Di pa rin ako makaget over. Feeling ko kinasal na ako. Hahaha! Hayyyy.. Sana tuloy tuloy na tong happiness ko. Pero syempre, di maiiwasan ang magkaroon ng problema sa buhay. Hayyyy...


"So.. Ate Nics. Congrats. Hehe. Nagwork out yung plano ko. Astig." sabi sa akin ni EF.

"Aba. Hahaha. Thank you. Ikaw pala may plano nun. Hahahaha." sabi ko.

"Yes ate. Nagpatulong sa akin si Kuya Gelo eh. Pumayag na ako. Hahaha." sabi niya.

"Ahhhhh. Ganun ba. Hahahaha. Naubusan na ata siya ng plano. Hahaha." sabi ko.


Tumawa naman siya. Tapos umalis na din, pupunta daw siya sa kitchen para kumuha ng tubig na maiinom.

Umupo nalang ako dito sa may sofa sa may labas. At tinignan ko ang langit. Ang ganda nito. Ang dami ng stars dahil gabi na. Nagulat naman ako ng may tumabi sa akin. Si Gelo pala.


"O. Mon destin. Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.

"Wala lang. Nagpapahangin." sabi niya.


"Ahhh." sabi ko nalang.

Sumandal naman ako sa dibdib niya kasi comfortable ako sa pwesto namin. Hayyyy. Sana maging masaya kami.


"Mon bijou... Sana maging masaya na tayo noh. Yung wala ng gugulo satin." sabi bigla sa akin ni Gelo.


"Yeaaaa. Sana." sabi ko.



Bakit parang may konting parte sa sarili ko na parang sinasabi nito na may masamang mangyayari? Kinakabahan ako. Ano nanaman ba yun.


"A-Ahhh. Mon destin. M-May gumugulo sa nararamdaman ko ngayon... Bat ganun?" sabi ko sa kanya. Napakunot naman ang noo niya. Umayos kami ng upo.


"Ano naman yang nararamdaman mo?" tanong niya sakin.

Kailangan kong sabihin sa kanya para handa kami. Kailangan..

"Hindi ko kasi alam kung bakit ako kinakabahan. Parang may masamang mangyayari." sabi ko. Kita ko naman sa mukha niya na bigla siyang nag-alala.

"Mon bijou. Wag mo namang isipin na may masamang mangyayari. Wag kang nega. Okay." sabi niya sakin at niyakap ako. Tumango nalang ako sa kanya.


Naiiyak ako. Hindi ko din alam kung bakit. Kinabukasan for sure, mababalita na sa TV yung proposal sa akin ni Gelo. Hayyy.


"Uhmmm. Mon destin. Tara na sa taas. Tulog na tayo. Mukhang nasa taas na sila lahat at tulog na." sabi ko. Tumango naman siya at umakyat na kami sa taas.

Humiga na ako sa kama ko at pinikit ko na ang aking mga mata.

Sana.. Walang masamang mangyari.

***
Nagising ako bigla. Umaga na pala. Hayyy. Bumangon na agad ako, kita ko namang tulog pa din si Gelo. Nag-ayos na ako at bumaba. Wala pang gising sa kanila kahit isa. Well, pumunta akong kitchen para magtimpla ng coffee. Pagkatimpla ko pumunta naman ako ng sala at binuksan ko yung TV. Bumungad agad sa akin ang inaasahan kong balita.

Breaking News: Mr. Angelo De Guzman of DGC proposed to Ms. Anicamae Alversado of AE yesterday at the Alversado Enterprises building at the exact time of 4:00 PM.

Tapos may kasama pang video. Vinideohan pala nila kami. Pinagpatuloy ko lang yung panonood ko hanggang sa may hindi ako inaasahan na news na makita. At nalaglag ko nalang bigla yung hawak kong tasa.

Exclusive News: Mrs. Consuelo the grandmother of Ms. Anica Alversado-De Guzman has something to say which is a big coincidence.

Reporter: What can you say about the proposal that Mr. Angelo De Guzman did yesterday. (live)

Mrs. Consuelo: I don't want them to be with each other. Sorry to say that I am not satisfied with the proposal that has happened yesterday.

Tapos kita dun na nagwalk out yung lola ko. Nagulat nalang ako nung may sumigaw.


"Mon bijou! Ayos ka lang? Nasaktan ka ba?" pag-aalalang tanong sakin ni Gelo. Napatingin naman ako sa lapag at kita ko na basag nga pala yung tasa dahil sa nabitawan ko yun.

"O-Oo ok lang ako." sabi ko. Buti di ako natalsikan nung bubog gawa nung napalayo pala ako sa TV kanina.

Niligpit naman yun agad ni Gelo. Umupo nalang ako sa sofa at nag-isip. Nakakagulat yung mga biglaang pangyayari. Pede kaming paghiwalayin ni lola. Natatakot ako. Sasabihin ko ba toh kay Gelo? Siguro dapat niyang malaman. Fianceé ko na siya. Dapat niyang malaman. Pero, paano na ba ito?

"Mon bijou. Ano bang nangyare? Bat nabasag yung tasa?" tanong niya.



"Mon destin. May problema tayo. Nabasag ko yung tasa kasi may napanood ako sa news. Na hindi ko inaasahan." sabi ko.


Napakunot naman yung ulo niya.




"Ano naman yun?" tanong niya.



"Nabalitaan ng lola ko yung proposal. Diba nandito din siya sa France. Actually, siya yung lola ko sa Mother's side. Ang reactiin niya sa naging proposal mo... Well, ayaw niya daw tayo para sa isa't-isa. Di ko na alam gagawin ko. Kaya niya tayong paghiwalayin. Mon destin... Natatakot ako. Anong gagawin natin?" tanong ko, medyo naiiyak na ako.




Bago pa siya makapagsalita bumaba na sina KC, Vea, Bea, Gozy, and Milcs. Nagulat naman sila nung makita nila akong naiyak.


"Bessie! Bat ka naiyak??? Sino?? Sino may pakana nito? Resbakan na ba namin?" tanong ni Milcs. Tch. Nagbiro pa.




"Yung lola ko susugurin niyo? Sige. Try niyo. Tch." sabi ko.




"Ano bang nangyari?" sabay na tanong ni Gozy at Vea.






"K-kasi.. Napanood ko sa n-news. Ayaw daw samin nung lola ko. Ayaw niya daw si Gelo para saken. Di ko na alam gagawin ko. Kaya niya kaming paghiwalayin." sabi ko.




Nagulat naman sila sa sinabi ko. Ako? Eto, naiyak na talaga. Humagulgol na ako at niyakap nalang ako ni Gelo. Hayyyy. Pano ba toh? Anong gagawin ko? Namin?




"Alam mo Nics. Kausapin mo lola mo. Este kayong dalawa ni Gelo. Iconvince niyo siya na karapatdapat kayo para sa isa't-isa. Dibaaaa. In that way, malay mo sumang-ayon siya sa relasyon niyo." suggest ni KC.




"Natatakot naman ako sa pwede niyang maging sagot. Pano kung--" naputol yung sasabihin ko nung nagsalita si Vea.






"Nics. Wag ka muna magisip ng what ifs mo. Wala namang masama ng magtry diba. Itry niyo." sabi ni Vea.




I nodded. Hayyy. Sana di na siya tumutol.

--------------------------------------------------
Ang KJ. Wahahahaha. Sorna. Baka magextend pa ako ng ilang chapters. Baka hanggang chapter 30 na.

Di na ba tututol si Mrs. Consuelo. Ang lola ni Nics? Makumbinsi ba nila si Mrs. Consuelo?

Abangan. :)

Please vote. And hope you like it. Thank you!

-Jeyvinica

Getting Back Together (Book 2 of AFMS -Awake From My Sleep)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon