(A/N: Lumipat din si Nics at ang kaniyang buong pamilya sa France. And sumama din si Jason. Pumuyag yung mga magulang ni Nics na isama si Jason, kasi malaki naman ang utang na loob nila dito.)----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
NICS POV
Hindi ako makapaniwala na nakita ko ulit siya. Naiiyak ako. Sino yung kasama niyang babae. Girlfriend niya? Bago niya? Grabe.. Ang tagal ng taon ang lumipas.. Pero ano.. LOYAL pa din ako sa kanya! Pero anong ginawa niya.. ANSAKET! Sobra! Hindi ko na natiis pa na hindi umiyak.
"Nics." sabi sa akin ng isang familiar na boses ng lalaki.
Humarap ako sa kanya. Nakita ko si Jason. Napatayo agad ako sa pagkakaupo ko at niyakap ko siya ng mahigpit.
"Nics. Bakit? May problema ba ha?" tanong niya.
"S-si.. G-Gelo. Nakita ko siya Jason. Nakita ko siya... Nakita ko siya na may kasamang babae." sabi ko na umiiyak na sa sobrang sakit.
"Nakita mo pa talaga yung lalaking yon?! Diba hindi naman kayo nag-break?!" gulat na sabi niya.
"Oo.. Hindi ko siya maintindihan. Hinanap ko siya. Coincidence lang na magkikita pala kami dito sa bar." sabi ko.
Halatang nabbwisit din si Jason. Siya ang tumayo kong best friend ngayon.
"Umuwi nalang tayo. Tara na." sabi niya sa akin.
"Ayoko pang umuwi Jason." sabi ko.
"Pwede bang dun nalang muna ako magstay sa condo mo? Ayoko kasi na makita ako nina Mama na ganito." dagdag ko pa.
"Sige. Ipagpapaalam nalang kita." sabi niya.
"Thank you." sabi ko.
Mapagkakatiwalaan naman tong si Jason. Mabait siya. Parang si Gelo lang. Kaso mas lamang si Gelo sa kanya.
Maya-maya nakapunta na kami sa condo niya. Papasok na kami sa elevator.
"Ground floor."
Nag-stop yung elevator sa Ground floor, galing kasi kaming basement, meron kasing dala si Jason nun.
Biglang... Nagstop yung heartbeat ko.. Nakita ko nanaman siya. Papasok ng elevator. Kasama yung babae. Kaming 4 lang yung nasa elevator at ang tahimik. Umalis na kami nung nakarating na kami sa 5th floor.
Napatulala nalang talaga ako habang naglalakad. Ano bang nangyayari sa akin. Nanghihina ako, na naiinis, na... Hindi ko maexplain. Naguguluhan ako sa halo-halong nararamdaman ko ngayon.
"Nics. Ayos ka lang?" tanong sa akin ni Jason.
"Oo. Ok lang ako." sabi ko.
Binuksan niya na yung pintuan nung kwarto niya nung makarating na kami doon. Pumasok na kami.
"Jason. Naiinis ako na naguguluhan, na nanghihina dahil sa nakita ko nanaman siya. At hindi na siya---" napatigil ako sa pagsasalita nung tumayo siya na para bang aalis.
BINABASA MO ANG
Getting Back Together (Book 2 of AFMS -Awake From My Sleep)
Ficção GeralThe continuation of the story of the two main characters... Nics and Gelo. Are they really DESTINED for each other? Let's see.