Chapter 23

25 3 0
                                    

MILCS' POV

Hayyyy. Nakakaawa na si Bessie. Nahihirapan na sila ni Gelo ngayon. Pero tama nga naman yung sinabi ni KC diba. Dapat kausapin nila si Lola. Baka naman kapag nakumbinsi nila si lola eh, baka di na siya tumutol. Excited pa naman ako maging maid-of-honor. Tapos ganito. Tsk. Sana maayos toh. Sana...

Natigil ako sa pag-iisip ko nung biglang may pumasok sa bahay. Napatingin naman ako dun...

O______O



Y-yung lola ni Nics. Omaghad. Napatayo naman agad ako.



"Hello po." sabi ko sabay mano.




"Si Anica?" tanong niya saken. Napalunok naman ako. Kinakabahan naman ako dun.




"A-Ahh.. Ehhh. Nasa taas po. Sa kwarto niya po." sabi ko.


Tapos dire-diretso siya sa taas papunta sa kwarto ni Nics. Omg. Patay. Nung makalayo na siya, nagsneak in ako. Sinundan ko siya without making any noise. Nakita ko siyang pumasok sa kwarto ni Nics. Halaaaa. Nandun pa naman si Gelo. Tsk. Patay.




Sumilip akong bahagya sa may pintuan kasi iniwan niya yung may konting butas.



"Nics! Hiwalayan mo na iyang si Angelo." sabi ni Mrs. Consuelo.




"Lola. Mahal ko po si Gelo. Hindi ko po kayang gawin iyon. Mahal na mahal po namin ang isa't-isa." sabi ni Nics.




"Dapat na kayong maghiwalay. Kasi matagal na kitang inengage sa iba." sabi ni Mrs. Consuelo na ikinagulat nila. At ako rin syempre.



Bakit ngayon niya lang sinasabi ang lahat ng ito? Kung kailan engage na si Nics at Gelo tsaka siya makikigulo sa love story nila. Tch.



"A-Ano po ang ibig niyong sabihin? Bakit ngayon niyo lang po ito sinabi sakin? La, naman e. Ayoko!" sabi ni Nics na umiiyak na.




"Matagal ka ng engage, kay Rangelo. Hindi mo ba natatandaan?" sabi sa kanya ni Mrs. Consuelo.



Ha? Ano daw? Bakas sa mukha ni Nics na naguguluhan siya, pati na rin si Gelo. At syempre, ako din. Nagulat ako.. Kailan? Wala namang nabanggit sa amin si Nics na matagal na siyang engage dito kay Rangelo na kanyang kababata.





"S-Si Rangelo po? La, di ko po kayo maintindihan. Wala po akong natatandaan na inengage ako sa kanya." sabi ni Nics.



Gulat na gulat pa rin si Gelo. At dahil dun... Halatang naguguluhan na siya.



"Huh? Tignan mo toh." sabi sa kanya ni Mrs. Consuelo.



May pinakita siyang picture kayna Nics. At doon sila mas lalong nagulat. Ano kaya yung pic na yun? At meron pa siyang isa pang inilabas. Isa siyang papel. Binigay niya ito kay Nics. Binasa naman iyon ni Nics, at kitang-kita ko na tumulo yung luha ni Nics. Na para bang hindi siya makapaniwala. Ano kaya iyon? Don't tell me... Totoo ang mga sinabi ni Mrs. Consuelo. Hayyyy.





Nagulat naman ako nung hinablot ni Gelo sa kamay ni Nics yung papel at binasa niya. Kitang-kita ko sa mga mata ni Gelo ang inis at lungkot. Nagulat ako nung papunta na siya dito sa may pintuan kaya naman napatakbo ako palayo. Buti nalang hindi niya ako napansin.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
GELO'S POV

Damn. Badtrip. Pinaglololoko ba ako ni Nics? Sadyang nagmamaang-maangan lang ba siya? Badtrip! Argh! Sa sobrang inis ko na ibato ko yung isang vase kaya nabasag. Napababa naman bigla sina KC, Bea, and Gozy.


"Anong nangyayari dito? Gelo? Anong nangyare b--" hindi niya na natapos pa ang kanyang sasabihin dahil sa napasigaw ako.


"Just please shut up! Bumalik nalang kayo sa taas! Ayoko ng istorbo! Gusto kong mapag-isa!" sigaw ko.



Nagulat naman sila sa inasta ko. Pati ako nagulat sa sarili ko. Bakit ko ba sila sinigawan. Wala naman silang kasalanan. Wala naman silang nagawang mali.




"Look. Sorry. Sorry kung nasigawan ko kayo." sabi ko sa kanila.







Ngumiti lang naman sila sa akin. Akala ko naman magagalit sila. Lumapit naman sa akin si KC at niyakap ako. Ewan ko ba, parang mas lalo lang akong nanghihina, at naiiyak dahil sa mga nakita at nabasa ko.




"Gelo. Alam kong may problema ka kaya ka nagkakaganyan. Nandito lang kami para sayo." sabi sa akin ni KC na nakangiti sa akin.




Magsasalita na sana ako ng biglang bumaba si Nics pati yung Lola niya.






"Mon destin.." ani niya. Pero hindi na ako tumingin pang muli sa kanya. At ang tanging lumabas sa bibig ko..





"Wag mo na ako tatawaging Mon destin. Gelo lang ang itawag mo sakin." sabi ko.






Hindi siya nakapagsalita. Ramdam kong naiyak na siya ngayon. At ako... Naiiyak na din. Hindi naman namin ginustong mangyari ito. Pero, wala akong magagawa.







"Mr. Angelo De Guzman. Maari ka ng lumabas ngayon sa pamamahay na ito." biglang sambit nung lola ni Nics sa akin.





Nagulat naman ako sa sinabi nung lola ni Nics. Pati na rin sina KC nagulat. Pero hindi na ako nagdalawang isip pa na hindi umalis. Kinuha ko na ang mga gamit ko at maya-maya pa ay umalis na ako ng bahay. Pero syempre nagpaalam muna ako.





Ansakit isipin dahil sa mga nangyari. Hindi na matutuloy ang kasal namin ni Nics. Dahil matagal na nga siyang engage kay Rangelo. Yung kababata niya... Naiinis ako at naiiyak, tuwing naaalala ko yung mga nakita ko at nabasa ko.



Flashback...

"Huh? Tignan mo toh." sabi nung lola ni Nics.




May inalabas siyang pic. Na laking ikinagulat ko pati ni Nics. Namumuo na yung mga luha ko pero pinigilan ko ito. Isang litrato lang naman nila ito ni Rangelo na nakaluhod si Rangelo sa kanyang harapan at nagpopropose. Makikita mo dun si Nics na may luha. Siguro tears of joy. Ansakit. At may nakasulat ding date doon. February 23. Nanlumo na ako sa mga nakita ko. May inilabas pa yung lola ni Nics na papel at ibinigay niya ito kay Nics. Binasa naman ito ni Nics, pinagmamasdan ko lang siya nung biglang may tumulong luha sa kanyang kanang mata. Kinuha ko naman agad sa mga kamay niya ang papel at binasa ko ito. Mas lalo akong nainis at nalungkot, nanlalambot na ako sa nabasa ko...




Noon, palang nagustuhan ko na talaga si Rangelo. Mahal na mahal ko siya. Hanggang sa nagpropose siya sa akin. Natuwa naman ako doon...




Hanggang doon lang ang nabasa ko dahil punit ito, mukhang lumang-luma na. Sobrang sakit. Sa sobrang sakit ng puso ko.. Napawalk out nalang ako pababa.

End of Flashback...


Di ko na kinaya.. Sobrang sakit.

----------------------------------------------------
Aruyyy. Kaynis talaga. Masaket yun ah. Ano na kaya ang susunod sa love story nina Nics at Gelo. Pano na iyan ngayon?

Please don't forget to vote. And hope you like it. Thank you guysss.

-Jeyvinica

Getting Back Together (Book 2 of AFMS -Awake From My Sleep)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon