Chapter 25:

455 22 1
                                    

Zyke's POV~~~

Naglalakad kami ni Era ngayon.

''AHH!" nakarinig kami ng sigaw kaya na alerto kami at mabilis pumunta kung saan nang-galing yung sigaw.

Nakarating kami sa likod ng building, napahinto kami ng makita namin ang isang babaeng binubugbog ang limang lalake.

''Astig'' Era

Napa 'ohh' naman kami ni Era dahil in-upper kick niya yung isang lalake.

Scaley's POV~~~

Matapos kong i-upper kick ang lalakeng to ay pinagsisipa ko naman sa muka yung apat.

''Ano? Gusto niyo paba?'' tanong ko sa limang unggoy.

''Hindi napo'' limang unggoy.

''Sa susunod na maulit to, hindi na talaga kayo sisikatan ng araw. Layas!'' sigaw ko, mabilis naman silang tumayo at tumakbo.

Napatingin ako Kay ate na tawa ng tawa.

*Kriiinnng* (Tunog ng bell)

"Tara na" aya ko Kay ate.

"Ang galing mo Ley haha" ate

Nababaliw na talaga siya. Naglakad na kami ni ate.

Zyke's

Pagkatapos nung bugbugang naganap, lalapitan sana namin yung dalawang babae kaya lang nag bell na, kaya no choice kailangan na naming bumalik sa klase.

*Classroom*

Napatingin ako sa katabi ko, si Crystal. Tahimik lang siya habang natutulog. Ang ganda ng muka niya, muka siyang anghel.

"Good Afternoon class" tsk si sir Lyndon na naman.

Ginising kona si Crystal dahil baka maparusahan ni sir Lyndon. Ang manyak mag parusa niyan.

Sa oras na hindi ka nakasagot sa klase o kaya nahuli kang natutulog, makikipag one night ka sa kanya, parusa niya yan sa mga babae. Ang parusa sa lalake at tatakbuhin mo yung buong school. Halos lahat ata ng mga estudiyante niyang babae ay hindi na virgin.

Hindi ko hahayaang pati si Crystal madali niya.

Nagsimula ng mag discuss si sir Lyndon, tangna lang tingin siya ng tingin Kay Crystal. Ewan koba sa sarili ko ang laki ng epekto sakin ng babaeng to.

Scaley's POV~~~

Uwian na, lumabas na silang lahat ng classroom tanging kami nalang nung manyak na teacher ang nandito.

*Bzzzzt*

Biglang tumunog ang cellphone kaya kinuha ko naman. May nag message, si ate.

Scaley, mauna ka ng umuwi may pupuntahan pa ako.

From: Ate lexa

Tsk, lumabas na ako ng classroom at nagsimulang mag lakad. Ako nalang ang tao dito sa hallway, nararamdaman Kong may sumusunod sakin.

Binilisan ko ng konti ang paglalakad ko, nakalabas na ako ng school pero halatang sumusunod parin siya. Putek alang mga sasakyang nagdadaan. Mukang mapapalaban na naman ako, nakakainis din sila dadi hindi nila kami tinuturuang gumamit ng baril tsk.

"The fuck!" Napamura ako ng mahina ng may nagtakip sa bibig ko.

"Matagal nakong nagtitimpi sayo Crystal, nag iinit ang katawan ko kapag nakikita kita"

Hindi ako nakapag salita dahil nilagyan niya ng panyo ang bibig ko at ganun din ang mga mata ko, pinosas niya ang mga kamay ko.

Tangina, pag nakawala ako dito humanda kang gago ka.

Patuloy lang siya sa paglalakad habang kinakaladkad ako.

Tumigil siya sa paglalakad at tinulak ako paupo sa sahig, alam kong nasa madilim na eskinita kami. Naramdaman kong hinalikan niya ako sa leeg, putcha walangya ka. Hindi ako makalaban dahil nga nakatali ako.

"Ang bango mo"

Tangina mo pakyu!

Nararamdaman Kong tinatanggal niya yung butones ko hanggang...

*boogsh*

"Putangina mo Lyndon! Anong karapatan mo para gawin yan sa kanya, kahit teacher pa kita hindi ko papalampasin tong ginawa mo!"

~~~~~

fb page: The CLASH and The Dragons 

CLASH and DRAGONS (HGL BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon