Chapter 12

469 22 0
                                    

Scaley's POV~~~

Nandito na ako sa bahay naming.

''Scaley!'' sabi ni ate at niyakap ako.

''Bakit mo ba ako pinapunta dito?'' ako

''Dalaga kana kapatid ko'' sabi niya, ano bang meron dito at kung ano-ano ang pinagsasasabi.

''Kalat na sa AG na nag date kayo ni Dash, kyaaah!'' sabi niya at tumatalon talon pa.

''Ano namang big deal doon?'' ako

''Diba never kapang nakipag date? OMG bagay kayo''ate

''Tsk, baliw kana'' sabi ko at umupo sa sofa.

''Kamusta date niyo?'' ate

''Kumain lang kami tapos naglibot-libot'' ako

*Riiiiinnnggg* (Cellphone po yan nung ate ni Scaley)

Sinagot naman ni ate yung tumawag at kita sa muka niya ang pagka gulat, ano kayang meron?

Binaba niya na yung cellphone niya.

''Sino kausap mo?'' ako

''Si Haily'' sabi niya.

''Anong sabi?'' ako

''Nag padala daw si Clover ng message kay Dash at death treat yun'' bigla namang kumunot ang noo ko.

''Bakit daw?'' ako

''Ewan ko pero simula daw nung nakita ni Clover yung picture niyo ni Dash ay bigla siyang nainis'' ate

''Teka lang'' sabi ni ate

''Bakit?'' ako

''OMG! Hindi kaya nag seselos si Clover, it means may gusto siya sayo! Kyaaah! Ang haba ng hair mo Scaley shet!'' sabi niya at tumalon talon pa.

''Teka nasaan nga pala sila daddy?'' ako

''Nasa Canada sila at may inaasikaso doon'' ate

''Okay, uwi na ako'' ako

''Wait, total wala naman sila daddy dito kana muna'' nag-isip muna ako pero pumayag din kagad ako.

Umakyat na ako sa taas para mag bihis, pagkatapos ko ay humiga ako sa kama at nag fb. Pagbukas ko ay nakita ko kagad ang picture naming ni Dash at grabe lang ha 50,000 likes na at yung mga comment puro ganito.

'Kyaaah bagay sila'

'Mas bagay si Clover at Scaley'

Natulog nalang ako.

---Kinabukasan---

Friday ngayon araw at bukas ay sabado na hay salamat naman.

Kakatapos ko lang maligo at mag bihis kaya bumaba na ako para kumain.

---Dining Room---

Kumakain ako ngayon at napansin ko lang wala si ate.

''Manang nasaan po si ate?'' tanong ko

''Kakaalis lang po niya kanina'' sabi ni manang, tumango lang ako.

Ang aga naman ata niyang umalis. Nung matapos akong kumain at lumabas na ako at nag pahatid.

---Public High---

Kakalabas ko lang ng sasakyan at may biglang sumigaw.

''Scaley!'' napalingon ako at nakita ko si Zea.

Sabay na kaming naglakad ni Zea.

''Bakit absent ka kahapon?'' tanong ko

''Eh busy lang, may trabaho ako eh'' sabi niya

''Nag ta-trabaho kana?'' ako

''Oo'' sabi niya

---Classroom---

''Oh nandito na pala ang mga virus'' sabi nung Mika, hindi nalang namin sila pinansin dahil masasayang lang ang oras namin sa kanila.

Napatingin ako sa gawi nila Damon at nakatingin din siya sakin pero bigla na naman siyang umiwas. Dumating ang teacher kaya nag klase na kami, hindi ako nakikinig dahil lahat ng tinuturo nila ay naituro na sa AG.

---Lunch---

Naglalakad ako ngayon sa hallway, hindi ko kasama si Zea dahil may gagawin pa daw siya. Hahakbang na sana ako papasok sa cafeteria ng biglang...

*Fllllaaassshh*

May bumuhos mula sa taas na malamig na tubig at hindi pa sila nakuntento dahil binuhusan nila ako ng harina tapos pinag babato naman akong itlog nung mga estudiyante, may mga ilang estudiyante namang nag bi-video.

'Dapat lang sayo yan bitch'

'Kinalaban mo pa kasi si Megan yan tuloy'

May lalakeng humarang sa akin kaya siya ang nabato nila.

'K-kurt' sabi nila.

Napatingin naman ako sa lalakeng humarang sa akin at si Kurt nga.

''Bakit hindi mo sila nilalabanan? Akala koba matapang ka?'' sabi niya at hinila ako sa kung saan, napansin kong dinala niya pala ako sa locker room.

''Mag bihis ka'' sabi niya, kinuha ko naman ang extra uniform ko sa locker at pumunta na ako ng c.r para maligo. After 20 minutes lumabas na ako sa c.r at nandun parin si Kurt.

''Salamat'' ako

''Sa susunod lumaban ka, diba sabi mo nga sakin noon hindi ako tulad niyo na inaapi na nga hindi parin lumalaban'' sabi niya

Hindi naman ako nakapag salita agad.

''Tara'' sabi niya at hinawakan ang kamay ko, bakit feeling ko ang init ng muka ko?

Nandito ko sa likod ng building at napansin kong ang ganda pala dito.

''Eto, kumain kana'' sabi niya at inabutan ako ng sandwich at coke, kinuha ko naman at nag simula na akong kumain.

''Ang dumi mo naman kumain'' sabi niya at lumapit sakin at akala ko hahalikan niya ako kaya pumikit ako.

''Bakit may papikit pikit kapa diyan, pinunasan ko lang naman yung gilid ng labi mo'' sabi niya kaya napa dilat naman ako.

Gosh! Scaley pahiya ka na naman! >__<

''Kung iniisip mong hahalikan kita, hah! Hindi ko gagawin yun dahil wala naman akong gusto sayo'' sabi niya, pero bakit parang may tumusok na karayom sa puso ko?

''Sino ba ang gusto mo?'' ewan ko lang pero yan kagad ang lumabas sa bibig ko.

''Si Jessica''

*Crack*

Putspa parang may nabasag na kung ano, Hindi kaya, may gusto na ako sa lalakeng to?

~~~~~

CLASH and DRAGONS (HGL BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon