Chapter 13

455 28 1
                                    


Scaley's POV~~~

''Hoy Scaley ayos ka lang, kanina ka pa tulala eh'' nabalik naman ako sa katinuan nung nag salita si Kurt.

''Oo'' ako

''Tara na sa classroom'' sabi niya at inalalayan akong tumayo.

Naisip ko bigla yung plano ko itutuloy ko pa ba? Ang bait kasi ng taong to eh -__-

---Classroom---

Ang sama na naman ng tingin nila sakin. Pag hindi talaga ako nakapag pigil dadalin ko ang CLASH dito at siguradong magkakaroon ng war. Dumating na ang teacher at nag klase na kami.

---Uwian---

Wala namang masamang nangyari...

*Flaaassshh*

Putcha kakasabi ko lang na walang masamang nangyari eh. May nag buhos na naman sa akin ng malamig na tubig mula sa taas.

''Oh ano na Scaley?'' napatingin ako sa unahan ko at nandoon si Megan.

''Muka kang basang sisiw sa itsura mo haha kakatawa ka naman'' isang tawa nalang niya at masusuntok kona to sa muka.

''Sa susunod wag muna akong kakalabanin, rank 10 ka lang pala tsk'' sabi niya at tumawa naman yung mga kasama niya.

''Pede ba kung wala kanang sasabihin, lumayas na kayo sa harapan ko'' sabi ko.

''Edi go, dumaan ka'' sabi niya at gumilid sila pero habang dumadaan ako ay bigla niya akong tinisod kaya nasubsob ako sa simento.

''Masarap bang makipag halikan sa lupa?'' Megan

May lalakeng lumapit sakin at tinulungan niya akong tumayo pero hindi ko makita ang muka niya ang nakikita ko lang ay naka AG uniform siya.

''Sa susunod na may gawin kayong masama sa kanya, ako na ang makakalaban niyo pati na ang CLASH'' sa boses palang niya kilala kona kung sino siya, si Clover.

''Megan tara na, diba sila yung rank 1 wala tayong laban diyan'' Jia

''Hindi pa tayo tapos'' sabi sakin ni Megan at umalis na sila.

Humarap sa akin si Clover at nakita ko sa muka niya yung pag-aalala. Bigla niya akong niyakap.

''Bakit ka ba nagpapaapi sa kanila, Hindi na ikaw yung Scaley na nakilala ko... at yung babaeng minahal ko'' hindi ko naintindihan yung huli niyang sinabi dahil ang hina.

Kurt's POV~~~

Naglalakad kami ngayon palabas ng school. Bigla silang huminto kaya napahinto rin ako.

''Bakit kayo huminto?'' ako

''Guys diba si Scaley yun?'' sabi ni Mark kaya napatingin ako sa direksyon kung saan siya nakatingin.

Oo nga noh pero sino yung lalakeng nakayakap sa kanya. Napadaan naman si Megan sa gilid namin.

''Megan sino yun?'' tanong ni Dwight kay Megan kaya napatingin naman siya sa direksyong tinuro ni Dwight.

''Ang landi talaga ng babaeng yun, pati yung member ng CLASH nilalandi'' Megan

''Ha? Member ng CLASH?'' sabay-sabay naming tanong.

''Oo, ang lakaeng kayakap niya ay si Clover, member siya ng CLASH'' Megan

Nagulat naman kami.

Scaley's POV~~~

''Tara na ihahatid na kita sa inyo'' sabi niya, tumango naman ako.

---Bahay---

''Omy gulay, anong nangyari sayo Scaley? Sinong gumawa niyan at bubugbugin ko'' ate

''Yung rank 4'' sagot ni Clover

''The Bitches? My god Scaley bakit ka nag papaapi doon? Mag papa transfer na ako sa Public High sa lunes'' sabi niya kaya napatingin ako sa kanya.

''Why?'' ako

''Look at yourself, my answer is final kaya wala kanang magagawa, humanda sakin yung Bitches nayun'' ate

Mukang wala na talaga akong magagawa. Siguradong manggugulo lang si ate doon hayst.

Umakyat na ako sa kwarto para maligo, pagkatapos kong maligo ay nag bihis na ako at nahiga.

''Scaley!!'' sigaw ni ate kaya napabangon ako sa kama.

''Ano na naman?'' ako

''Mag bukas ka ng fb bilis!'' kinuha ko naman ang cellphone ko at nag fb may nakita akong video, pinanuod ko at...

O__O yun yung nangyare kanina sa labas ng cafeteria.

''Lagot talaga skain yang Megan nayan bwusit siya'' inis na sabi ni ate.

Tiningnan ko naman yung mga nag comment at...

'Bitch! Walangya kayo, lagot kayo samin dahil sa ginawa niyo kay Scaley' comment nung rank 6.

'Dapat siguro mag transfer din tayo sa Public High' rank 6

Kurt's POV~~~

''Kurt diba sa Public High to?'' napatingin naman ako kay ate Rena.

''Alin?'' tanong ko, binigay niya sakin yung Ipod niya at pinanuod ko yung video doon at yun yung nangyare kanina sa cafeteria.

''May binu-bully na naman si Megan hayst'' sabi ni ate Rena

Tiningnan ko yung mga comment at...

'Bitch! Walangya kayo, lagot kayo samin dahil sa ginawa niyo kay Scaley'

'Dapat siguro mag transfer din tayo sa Public High'

Bakit ba sobrang halaga ni Scaley sa kanila?

''Kurt, sinagot kana ba ni Jessica?'' ate Rena

''Hindi pa'' ako

''Para sakin ayoko kay Jessica'' kumunot naman ang nuo ko dahil sa sinabi niya.

''Bakit?'' ako

''Parang may kakaiba eh'' sabi niya at umalis na.

Ano bang ibig niyang sabihin?

~~~~~ 

CLASH and DRAGONS (HGL BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon