Chapter 9 (Bully)

483 21 0
                                    

Scaley's POV~~~

Kasama ko ngayon si Zea at habang dumadaan kami sa hallway napansin ko lang na lahat ng estudiyante ay iniiwasan ako. Nandito kami ngayon sa harap ng pinto ng classroom namin at papasok na sana ako kaya lang hinila ako ni Zea paatras at nagulat naman ako ng may biglang bumuhos na tubig at buti nalang hindi kami nabasa.

''Sigurado akong ibu-bully kana nila'' Zea

Kurt's POV~~~

Habang wala pa si Scaley ay nag lagay sila ng balde ng tubig sa taas ng pinto.

''Nakakainis!'' sabi ko.

''Bakit ka naman naiinis diyan?!'' Mark

''Kasi naman bakit kailangan pa niyang gawin yun'' ako

''Kurt alam mo dapat mag pasalamat kapa nga sa kanya eh'' Dwight

''Bakit naman?'' ako

''Kasi iginanti ka niya'' Alzey

''Hindi naman ako nagpapa ganti eh, yan tuloy mabu-bully pa siya'' ako

''Ang sabihin mo concern ka lang sa kanya'' Jian

Concern nga ba ako?

''Ayan na sila'' sabi nung isa kong kaklase, napatingin naman ako sa labas at nandun na nga si Scaley at papasok na. Bumukas ang pinto at bumuhos ang tubig pero walang nabuhusan?! Napatingin ako sa labas, hinila pala ni Zea si Scaley paatras.

''Sayang'' sabi ng mga kaklase ko.

Scaley's POV~~~

Parang ayoko na sa Public High ah. Tuluyan na kaming pumasok sa classroom at napansin ko rin na ang sama ng tingin sakin nila Megan. Magpa-plano nalang kasi epic pa eh, yan tuloy pati muka nila epic. Umupo na ako sa upuan ko at dumating nadin ang teacher.

---Uwian---

Nakakainis na ha bakit ba ang sama ng tingin nila sakin?

''Wag mo nalang silang pansinin'' Zea, tumango lang ako.

Ako nalang ang naiwan dito sa labas dahil umuwi na si Zea. Biglang lumabas ng gate yung mga classmates kong lalake, lima sila at nakatingin silang lahat sakin.

Ako naman ganito itsura ko -__- Lumapit sila sakin.

''Ikaw ba si Scaley?'' guy 1

''Hindi'' ako

''Pinaglololoko mo ba kami? Ikaw si Scaley'' guy 1

''Bakit mo pa tinatanong kung alam mo namang ako'' ako

Tama naman diba? Bakit niya pa itatanong kung alam niyang ako nga si Scaley.

''Aba't pilosopo to ah'' guy 1, susugurin na sana ako nung lalake kaya lang pinigilan siya ng mga kasama niya.

''Aalis kayo o ipapabugbog ko kayo?'' ako, bigla naman silang nagtawanan.

''Mukang tama yung sinabi ni Megan ah, ang yabang nga'' guy 3, so? Si Megan nga ang nagpadala sa kanila.

Tumayo na ako at naglakad palayo.

''Hoy saan ka pupunta'' guy 4, hindi ko siya sinagot.

Hinahabol parin nila ako at nung nasa tapat na kami ng AG ay huminto ako.

(A/N: guys magkalapit lang po ang AG at Public High, walking distance lang)

''Ang bagal niyo kasi eh, bilisan niyo kidnapin niyo na yan'' guy 5.

Hahawakan na sana niya ako sa braso pero umiwas ako, may nakita akong limang lalake hmm eto yung rank 3. Nakatingin lang ako sa kanila at bigla silang napatingin sakin. Binigyan ko sila ng lumapit-kayo-look, nakuha naman nila at agad silang lumapit sakin.

''Bakit po?'' sabi ni Gelo

''Pakibugbog nga yung limang unggoy nayan'' utos ko.

Tumingin naman si Gelo kay Dash, si Dash ay leader nila.

''Sa isang kondisyon'' Dash, aba nakuha pa niyang humingi ng kondisyon ah.

''Ano?'' ako

''Makipag date ka sakin bukas'' sabi ni Dash habang nakangiti.

''Okay'' sabi ko at umalis na.

Dash's POV~~~

''Okay'' sabi niya at umalis na.

''Ang swerte mo pre, akalain mo yun pumayag makipag date sayo si Scaley'' Gelo

''Ako pa'' ako

''Ano pa hinihintay natin, bugbugin na natin yan'' sabi ko at tumingin dun sa limang unggoy.

Si Scaley nga pala ang babaeng type ko dahil sobrang cool niya at maganda pa saka ang lakas ng dating niya, dati nung nasa AG pa siya ay palagi akong naglalagay ng letters sa locker niya kaya lang tinatapon niya lang at ngayon sa wakas na pansin niya narin ako at may date pa kami bukas.

~~~~~

CLASH and DRAGONS (HGL BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon