Chapter 7

473 24 0
                                    

Scaley's POV

Pagkatapos nang eksena doon sa may canteen ay napag pasyahan na naming bumalik sa room.

---Classroom---

Nandito na kami ngayon sa classroom pero hanggang ngayon ay wala pa rin si ma'am kaya naman ang ingay-ingay dito. Inayos ko nalang muna yung mga gamit ko. Maya maya pa ay naalala ko bigla yung pangyayare kanina kay Zea at saka sa tatlong babaeng 'yon. Bakit kaya ang init nang dugo nila kay Zea? Tutal may pagka chismosa naman din ako kaya itatanong ko nalang din sa kan'ya hahahha.

''Zea" tawag ko.

"Oum bakit? Ano yon haha." Naka ngiting sagot sa 'kin ni Zea. Cute talaga nang babaeng toh, sarap pisilin.

"Matanong ko lang ha. Bakit nga ba lagi kang inaaway nung tatlong babae na 'yun. Ano bang meron? May atraso ka ba sa kanila? O kaya naman baka may nakalimutan kang utang sa kanila tapos di mo lang naalala, kaya siguro pinagtutulungan ka nila.'' Seryoso kong sabi.

''Ewan ko ba sa kanila. Sa totoo lang... wala nga akong naaalalang utang sa kanila eh, ni atraso wala rin. Siguro trip lang nila akong i-bully.'' Nakayukong sabi ni Zea.

Wala naman palang atraso eh mga kumag na 'yon. Tss ewan ko ba kung bakit ang gaan-gaan ng loob ko dito sa babaeng to hayst. Nakaka-awa talaga.

''Zea, sagutin mo ako nang deretso. Ayaw mo nabang i-bully ka nila, yes or no?.'' Ako

''Yes, ayoko na. Sawang sawa na 'ko sa kanila.'' Medyo inis na sabi ni Zea.

''Kung ganon ay isasama nalang kita sa AG.'' Sabi ko na s'yang ikinagulat naman niya.

Mas magiging okay at ligtas s'ya doon lalo na dahil sigurado ako na walang gagalaw sa kaniya sa AG kapag kasama n'ya 'ko.

''Hala, eh 'di ba puro gangster doon, baka mas lalo lang akong mabully d'yan Scaley.'' Zea

''Wag ka ngang mag isip nang kung ano-ano d'yan.'' Ako

''Eh paanong hindi ako mag iisip eh hindi naman ako gangster, saka baka lalo lang akong mapahamak n'yan.'' Nangangambang sabi ni Zea.

''Shut up! Ok? Ako na nga'ng bahala sayo. Magtiwala ka nalang.'' Sabi ko at tumango naman s'ya.

Maya maya pa ay dumating na din ang teacher namin at saka nagturo at sa kalagitnaan ng klase ay may biglang kumatok. Bumukas naman ang pinto at pumasok ang isang staff na may dalang isang upuan at sa ihinilera sa 1st row.

''Amh kuya para saan yan? Eh hindi naman kami nag papakuha ng upuan. Tsaka kumpleto naman na ang upuan nang mga students ko dito. 'Di ba class?'' Takang sabi ni mam at tumango naman sila.

''Mam eh kasi po bukas na ang balik ni Ms. Megan.'' Sabi nung staff at saka napa kamot sa ulo nito. Pagkasabi nyan non ay biglang natahimik ang lahat. Napatingin din ako sa mga mukha nila at para silang nagaluntang sa mga narinig nila at para bang nakita nila si kamatayan.

"Mauna na po ako mam." Pagpapaalam nung staff at saka dahan-dahan na isinarado ang pinto. Ibinalik ko agad ang tingin ko kay mam at tulala parin ito.

'Ang wweird ng mga tao dito ah.'

Kinalabit ko tuloy si Zea para mag tanong. Buti naman at lumingon agad siya.

''Bakit ganyan 'yang mga mukha nila?'' Sabi ko habang palihim na tinuturo si mam at ang mga iba ko pang mga kaklase.

"Akala mong namatayan ahh. Ano bang meron?" Ako

''Ah yun ba? Hahaha." Natatawang sabi ni Zea.

"Eh kasi naman si Megan yung tinutukoy ni kuyang staff kanina, s'ya lang naman ang pinaka bully estudyante dito sa Public High at kahit teacher pa 'yang iharap mo sa kan'ya ay hindi n'ya parin 'yon papalagpasin at si megan... hindi lang s'ya basta bastang bully, isa din s'yang gangster. Kaya naman sa tuwing nababanggit ang pangalan na 'yon ay paniguradong ang lahat ay kinikilabutan na." Zea

Ganon?! Wow ha ang o.a nila mag react, parang yun lang eh. Gawain ko rin naman yan sa AG hahahha. Natapos ang klase namin nang hindi manlang nagtuturo si mam at jusko pati ang mga kaklase ko kanina na sobrang ingay ay mukhang naging pipe na ngayon, hanggang sa mag uwian na kami. At saka himala napa aga din ang uwian namin dahil hanggang 4:00 pm talaga ang uwian namin pero ngayon ay 2:00 pm palang ay pinag dismiss na agad kami.

Tss boring naman. Ayy teka alam kona...

''Damon and 4 members!" Tawag ko at agad naman silang lumapit sa 'kin.

"May gagawin kayo?'' tanong ko.

''Wala naman bakit?'' Damon

''Tara gala tayo sa AG.'' Sabi ko.

''Hindi ba't bawal ang mga outsiders doon.'' Mark

''Eh hindi naman na kayo outsiders, dahil doon naman na kayo mag-aaral 'di ba.'' Ako

''Oo nga noh. Tara Kurt, sama na tayo sa kan'ya pampawala na din ng kaba.'' Dwight

''Sige na nga.'' Damon

Sumakay kaming taxi papunta sa AG at habang nasa byahe ay napaka ingay nila.

---AG---

Pagbaba namin sa taxi ay nag sumbrelo ako, dahil wala lang. Bakit ba gusto ko eh hahahah. Nangunguna sila sa paglalakad hanggang sa makarating sila sa gate.

''Sir, bawal po ang mga outsiders.'' Guard

''Papasukin mo sila dahil kasama ko sila.'' Utos ko.

''Mam bawal po.'' Guard, tinanggal ko ang sumbrelo ko at nung nakita nung guard ang mukha ko ay...

''Sige po mam.'' Sabi nung guard at agad kaming pinaraan papasok sa AG.

''Scaley, bakit takot yata yung guard sayo?'' Takang tanong ni Dwight at syempre nag kibit balikat lang ako.

Habang naglalakad kami sa hallway ay pinag titinginan kami ng mga estudiyante. Madali lang kaming nakadaan dahil wala rin namang ganong estudyante dito sa hallway dahil yung iba ay may klase pa.

''Grabe, ang ganda ng school na 'to.'' Jian

''Di ba dito nag-aaral yung CLASH?'' Alzey

''Oo.'' Ako

''Gusto ko silang makita.'' Mark

''Ano bang mga pangalan nila?'' Damon

''Clover, Ley, Alexa, Haily at... Crystal.'' Ako

Mga i-isang oras din siguro kami palakad-lakad dito sa loob ng campus, hanggang sa nag bell na. Ibig sabihin lang non ay uwian na.

''Bakit nag bell?'' Mark

''Means uwian na.'' Ako

''Makikita na ba natin ang CLASH?'' Dwight at talagang gusto nilang makita ang CLASH ah.

Nandito kami ngayon sa hallway naglalakad, aalis na sana kami dito sa AG kaso lang ay gusto daw nilang makita ang CLASH.

'Sino kaya yung limanag gwapong kasama ni Scaley.'

'Tingnan mo oh yung uniform nila, 'di ba uniform 'yon ng Public High.'

''Scaley!'' may tumawag sa 'kin kaya napalingon ako, si Clover lang pala.

''Bakit ka nandito sa AG at sino yang mga kasama mo? Sila ba yung pag---'' bago pa niya maituloy ang sasabihin niya ay tinakpan ko na agad ang bibig niya, pahamak talaga 'to kahit kailan.

''Bye Clover, ah tara na guys uwi na tayo.'' Pag aya ko sa kanila, tapos inalis ko nadin yung pagkakatakip nung kamay ko sa bibig niya.

''Teka hindi pa nga natin nakikita yung CLASH eh.'' Pag hirit ni Dwight.

''Sa susunod na araw nalang.'' Sabi ko at mukhang payag naman sila.

Nang makalabas na kami sa Campus ay naghiwa-hiwalay nadin kami pa-uwi.

CLASH and DRAGONS (HGL BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon