Chapter 4 (Interview)

544 25 0
                                    

Scaley's POV

Nandito na 'ko sa classroom at ang sama na nang tingin sa 'kin nung tatlong babae kanina.

'Tsk dukutin ko pa mga mata n'yo eh.'

''Hi Scaley, ako nga pala si Kurt.'' Napalingon ako sa katabi ko, tinaasan ko lang siya ng kilay.

''Anong kailangan mo?'' Ako

''Amh eh kasi...'' Ayaw pang deretsuhin, na iinis na 'ko ah.

''Sasabihin mo na agad o puputulan nalang kita ng dila?'' Pagbabanta ko habang pinag lalaruan ang ballpen ko at mukhang natakot naman siya.

''Nautusan kasi ako ng President eh. Ano kasi, kailangan kitang interview-hin. Wag ka mag alala onti lang naman 'to.'' Sabi nung Kurt habang naiilang sa 'kin na mgumiti.

''President ng America o Pilipinas.'' Pilisopo kong sagot sabay ngise, napa face palm naman siya.

''President ng school.'' Siya

''Mamaya nalang nang uwian, busy ako.'' Sagot ko.

Dumating na yung sunod naming teacher kaya naman bumalik na siya sa pwesto niya, pero nararamdaman kong naka tingin pa rin siya sa 'kin. Kung pwede lang talagang mandukot ng mata, Siguro apat na yung bulag ngayon sa classroom.

Lumipas ang mga oras at uwian na, niligpit ko na ang gamit ko at lalabas na sana ako ng room kaso may humarang sa 'kin.

''Yung interview.'' Bungad na sabi sa 'kin ni Kurt. Oo nga pala hayst.

''Saan tayo?'' tanong ko sa kan'ya.

''Sa garden nalang.'' Sabi niya, pumunta naman kami ng garden at sakto naman dahil wala nang tao do'n.

Umupo kami sa damo, oo sa damo kailangan paulit-ulit?

''Simulan mo na.'' Sabi ko para maka uwi na ako agad.

''Bakit ka lumipat sa Public High?'' tanong niya.

''Walang pera.'' Pag sisinungalin ko, ano akala n'ya sineswerte siya? No Way!

''Mahirap lang kayo?'' Siya

-___-

''Kaya nga walang pera 'di ba.'' Ako

''Gangster ka ba?'' Siya

Sasabihin ko ba na gangster ako? Sige na nga para naman hindi puro kasinungalingan ang sinasabi ko.

''Oo.'' sagot ko.

''Official na gangster?'' Siya

''Oo.'' Ako

''Anong rank kayo?'' Siya

''Rank 10.'' Actually rank 1 kami.

''Anong pangalan ng gang niyo?'' Siya.

Hmm kailangan kong mag-isip ng pangalan, hindi ko pwedeng sabihin na CLASH kasi kalat na ang pangalan ng gang namin.

''Cutie Chicks.'' Eww masyadong girly, pero yan ka agad ang lumabas sa bibig ko kaya naman wala na akong magagawa.

''Malakas ba ang gang niyo?'' Siya

''Hindi.'' Actually Oo.

''May kapatid ka?'' Siya

''Oo.'' Ako

''Anong pangalan?'' Siya

''Mae mae.'' Ginamit ko lang yung pangalawang name ni ate Lex.

''Saan kayo nakatira?'' Siya

''Ayoko ngang sabihin.'' Ako

''Bahay or apartment?'' Siya

CLASH and DRAGONS (HGL BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon