Chapter 2

589 27 0
                                    

Scaley's POV

Natapos na kaming kumain at agad rin naman kaming bumalik sa classroom. Puro introduce yourself lang naman ang pinagawa sa 'min kaya naman naisipan ko nalang na umuwi, tutal wala naman kaming ibang gagawin pa sa school. Tamad na kung tamad basta ang masasabi ko lang ay WALA AKONG PAKE.

Nakarating na ako sa bahay namin kaya pumasok na ‘ko sa loob.

''Oh ang aga mo ata ngayon.'' Mom

''Tinatamad po ako eh, saka wala namang pong gagawin.'' sabi ko. Aakyat na sana ako sa taas kaso biglang nagsalita si dad kaya agad akong napahinto.

''Pagka tapos mong magbihis bumaba ka agad dito at may pag-uusapan tayo.'' Dad

Pag-uusapan?? Ano naman kaya yun?!

Pumasok na ako sa kwarto ko at nag bihis, pagka tapos kong magbihis ay bumaba na agad ako. Nakita ko si mom at dad sa sala, nakaupo sila don sa sofa kaya naman umupo nalang din ako.

''First day na first day ay may nabalitaan agad  ako na may sinuntok ka daw.'' Seryosong sabi ni Dad.

Wow ang bilis namang kumalat ng balita ngayon.

''Opo.'' agad kong sagot.

''Kailan kaba madadala ha Ley?'' Dad

''Dad, don't call me Ley!'' Ako

Napa buntong hininga na lang si dad.

''Tutal hindi ka mapigil sa mga kalokohan mo at mukhang hindi ka rin naman magtitino. As a punishment of your actions my little girl. Bukas na bukas ay Ipapa transfer kita sa Public High.'' Dad

O__O

''Seriously dad?!'' Ako

''Yes.'' Dad

''Dad ayoko sa public.'' Ako

''My answer is final!'' sabi ni dad sabay walk out.

Teka lang, bakit s’ya pa yung nag walk-out eh ako nga dapat yun. Tss, agaw eksena talaga kahit kailan.

''Mom'' sabi ko na nanghihingi nang tulong. Baka kasi mabago n'ya ang isip ni dad.

''Wala na akong magagawa. Hindi ko na mapipilit ‘yang daddy mo, sorry. Eto nga pala yung folder, saka nasa taas na din yung uniform mo.'' sabi ni Mom at saka nagpaalam umalis.

Kita ko na hindi rin masaya si mommy sa naging desisyon ni dad pero wala na din akong magagawa dahil mukhang desidido na talaga si dad na ipa-transfer ako sa Public High kaya naman imbis na magmukmok ako dito mas minabuti ko na lang na umakyat sa taas para matulog.

Zzzzzzzzzzzzzzz

''SCALEY!!! BUMANGON KANA DIYAN!''

Bigla naman akong napabangon sa sobrang gulat at napatingin sa gilid ko.

''Ang aga aga pa ate!'' sabi ko habang kinukusot ang mata ko.

''May pasok kaya tayo noh, bumangon kana nga.'' Sabi niya sabay walk out.

Bakit ba lahat ng tao ngayon nag wo-walk out. Ano bang meron? At infernes ang haba ng naitulog ko ngayon ah.

Tumayo na ako at saka pumunta ng banyo. After 30 minutes lumabas na ako ng banyo para mag bihis. Pinusod ko yung bangs ko pataas tapos nag ikot ako ng panyo sa ulo ko. Bumaba na din ako para kumain.

''Ley ganyan na naman itsura mo.'' Ate

''Bakit mo suot ‘yang uniform ng AG kakasabi ko lang kahapon na sa Public High kana mag-aaral ‘di ba.'' Dad

''Bukas nalang po ako papasok sa Public High.'' Ako

''Goodluck na lang sayo, Ley.'' Ate

Hindi na ako nagtataka kung bakit alam na agad ni ate, syempre sinabi na sa kan’ya ‘yon nila Daddy. Saka kung nagtataka kayo kung bakit hindi ako nagagalit kapag tinatawag akong Ley ni ate ay dahil siya lang ang may karapatang tumawag sakin non. Gets?

''Crystal napag-usapan namin ng daddy mo na dun ka muna titira sa bahay ng lolo at lola mo.'' Mom

Hindi na ako nagsalita dahil wala naman akong magagawa at saka isa pa, miss ko na din naman si lolo at lola. Nang matapos kaming kumain ni ate ay umalis na agad kami sa bahay.

---AG University---

Habang naglalakad kami sa hallway ay rinig na rinig na ang mga bulungan.

'Sana kasing ganda ako ni Alexa'

'Sana kasing cool ako ni Scaley'

---Classroom---

''Yow! Good morning Scaley.'' Clover

Inirapan ko lang si Clover, mabuti na nga sigurong malipat ako sa public kesa makita ko araw-araw ang pagmumukha ni Clover.

''Amh guys, hindi na ako dito mag-aaral simula bukas.'' Ako

''Bakit? Ayaw mo na ba dito?'' Haily

''Ipapa transfer si Scaley sa Public High kaya naman tayong apat nalang ang maiiwan dito sa AG.'' Ate

''Kung sa Public High lang din naman mag-aaral si Scaley eh sasama na kami.'' Clover

''Oo nga.'' Ley

''Walang sasama!'' Ako

Nagtaka naman sila.

''Kailangan kayo dito sa school, saka pupuntahan ko naman kayo dito kahit kailan ko gusto. Kaya h'wag na kayong mag abala pa.'' Ako

''Sure ka?'' Haily

''Oo naman.'' Ako

''Ikaw na ang bahala, basta sabihin mo lang sa ‘min kapag may nambully sayo dun at bubugbugin ko.'' Clover

Napangiti naman ako sa sinabi ni Clover.

''Oh tama na yan, isang group hug naman para kay Ley.'' Ate

Nag group hug naman kami, ano kayang magiging buhay ko sa Public High?

Kurt's POV

''See you Kurt.'' Jessica

''Ingat.'' Ako

Kakapasok ko lang sa classroom ng biglang...

''Ayieeeee~~'' sinamaan ko lang ng tingin sila Dwight at Mark.

''Sinagot ka na ba ni Jessica?'' Jian

''Hindi pa.'' Ako

''Good morning class.'' Bati samin ni Mam Ellis.

Umupo naman kami sa kanya kanya naming upuan.

''Morning am'' bati namin.

''Nandito na ba yung bago niyong kaklase?'' Mam

Kumunot naman ang noo ko, may bago kaming kaklase?

''Oh I think hindi siya pumasok ngayon.'' Mam

''Babae po ba?'' Mark, tsk kapag babae talaga ang usapan hindi ka mawawala noh..

''Yes and galing siya sa AG University.''

Nagulat naman kaming lahat.

''Ibig sabihin lang non ay gangster din siya.'' Alzey

Kaya naman kami nagulat ay dahil ito ang first time na may mag ttransfer na estudiyante sa ‘min na galing pa sa AG University at gangster pa. Eh kami nga hindi kami official na gangster eh. Saka sigurado maraming makikipag kaibigan dun sa transfer kasi nga lahat ng estudiyante dito gusto maging official na gangster at syempre kasama na din kami doon.

'Excited na akong makilala siya'

'Isali kaya natin siya sa grupo natin'

Sabi ng mga kaklase namin.

''Mga pre isali natin siya sa grupo natin.'' Mark

''Hindi pa nga natin siya nakikilala eh.'' Alzey

''Tama si Alzey dapat kilalanin muna natin siya.'' Ako

Siguradong kalat na ang balitang ‘to sa school.

CLASH and DRAGONS (HGL BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon