Chapter 14: Jealous

475 22 1
                                    

Scaley's POV~~~

Sa wakas sabado na ngayon, bumangon na ako sa kama para maligo. Pagkatapos kong maligo ay nag bihis na ako ng pambahay na damit, after that lumabas na ako ng kwarto at bumaba.

''Good morning!'' bati sa akin ni ate

''Morning Scaley'' sabi sakin ni Haily

''Morning'' Ley

''Good morning Scaley!'' masiglang bati sakin ni Clover

Tiningnan ko sila at naka upo sila sa sofa at may kanya-kanyang ginagawa tanging si Clover lang ang wala, umupo ako sa tabi ng Clover.

''Kamusta?'' ako

''Eto gwapo parin'' sabi niya at nag pogi sign pa, piningot ko naman siya sa tenga.

''Aray'' sabi niya.

''Guys punta tayong mall'' aya ni Haily

''Magandang idea yan Haily, tara mag bihis na tayo. Scaley mag short ka ha baka mag jeans ka na naman'' sabi niya sakin. Umakyat na sila sa taas at naiwan kaming tatlo dito.

''Mag bihis kana'' Clover, umiling lang ako.

''Ako mag bibihis sayo sige ka'' sabi niya at nakangisi pa, tumayo na ako at umakyat sa taas.

---Kwarto---

Naka short ako at naka damit na kita yung katawan ko pero naka tube ako, saka yung damit nato ay hanggang pusod kolang. Bumaba na ako at nakita ko sila ate doon at si Clover naman nakatingin sakin.

''Tara na guys'' sabi ni Haily at hinila si ate pati na ako.

Ang nagda-drive ay si ate at si Haily naman ang katabi niya tapos ako, katabi ko yung bintana pati narin si Clover.

***

Kakababa lang namin ng sasakyan pero hinila kagad ni Haily si ate at Ley kaya kaming dalawa ni Clover ang magkasabay mag-lakad.

''Bilisan natin, naiiwan na tayo oh'' sabi niya at inakbayan na naman ako.

---Mall---

Habang naglalakad kami ay may nakikita kong mga estudiyante sa AG at tinitingnan nila kami ni Clover yung iba ay kinikilig pa.

'Omy gosh bagay sila'

'Bili picturan mo'

Si Clover naman ay tawa lang ng tawa.

''Akalain mo yun bagay daw tayo'' sabi niya

***

Nandito kami ngayon sa mga bilihan ng damit at tulad ng dati, pinagbitbit na naman nila ate sila Clover ng mga pinamili nila. Habang tumitingin-tingin ako kung saan ay may nahagip ang mata ko, sila Kurt kasama niya yung apat ng memebers at si Jessica.

Grr bakit ba ang init ng ulo ko kapag nakikita ko silang magkasama. Napatingin naman si Dwight sa gawi ko kaya tumalikod ako.

Dwight's POV~~~

Ako nga pala si Dwight Collins 16 yrs old, nandito kami ngayon sa mall dahil nag-aya si Jess. Si Kurt naman ay nakaakbay kay Jess kaya inaasar namin sila.

''Yun oh dumada-moves si Kurt'' Mark, nagtawanan lang kami.

Pagtingin ko sa gilid ay parang nakita ko si Scaley.

''Mark si Scaley ba yun?'' tanong ko kay Mark at tinuro ko yung babaeng nakatalikod.

''Parang hindi naman eh'' Mark

''Hoy ang bagal niyong dalawa'' sabi ni Jian, siguro namamalik-mata lang ako.

Scaley's POV~~~

Ano bang nangyayari sakin? Kanina nung nasa National Bookstore kami nakita ko na naman sila Kurt at ang malupit pa magka holding hands sila, parang gusto ko ng sabunutan si Jessica grr.

*Brzzzz* (cellphone yan ni Scaley)

Kinuha ko naman kagad ang cellphone ko at tiningnan kung ano yun, takte GM lang pala, pero binasa ko pa rin.

'Yung feeling na naiinis ka dahil may kasama siyang iba at gusto munang patayin yung kasama niya, pero hindi mo yun pwedeng gawin dahil, ano kaba sa kanya? Kayo ba?'

GM/ Glaiza

Panes! Tinamaan ako dun ah. Ano nga ba ako sa kanya?

''Scaley! Tara na, kanina kapa tulala diyan ah'' sabi ni Clover at hinila na ako.

***

Nandito kami ngayon sa KFC dahil gutom na kami, ang umorder ay sila Haily, Ley at Clover.

''Scaley, okay ka lang ba?'' sabi ni ate at mukang seryoso siya. Umiling lang ako.

''Akin na yung kamay mo'' sabi niya, nilahad ko naman yung kamay ko sa table at nakita ko siyang hinawakan yun pumikit pa siya. Pagkadilat niya ay gulat ang ekspresyon niya.

''Omy gosh Scaley in love ka'' sabi niya kaya naguluhan naman ako sa sinabi niya.

''Ha?'' ako

''Sabi ko in love ka'' ate

''Ha? Ako? In love? Ewan ko'' sabi ko.

''Tell me, pag ba may kasama siyang ibang babae nakakaramdam ka ng selos or gusto munang patayin yung kasama niya'' ate, tumango lang ko

''Omy gulay, tell me who's that lucky guy'' ate

''Kurt'' ako

Hindi kami masikreto ni ate sa isa't isa, lahat ng gumugulo sa isip namin at problema ay sinasabi namin sa isa't isa.

''Saan siya nag-aaral?'' ate

''Public High'' ako

''OMG, excited na akong makita siya'' ate

''Bakit naman?'' ako

''Babalaan ko lang siya na mag-ingat sayo'' sabi niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.

''Joke lang'' sabi niya at nag peace sign.

''Mukang nagkakatuwaan kayo ah, tara kumain na tayo'' napatingin kami ni ate kay Haily. Nilapag na nila yung tray at nag umpisa na kaming kumain.

Nang matapos kaming kumain ay lumabas na kami sa KFC at nag libot-libot pa, kaya lang sa pangatlong beses ay nakita ko na naman sila Kurt.

''Pede bang umuwi na tayo?'' ako

''Bakit?'' ate

''Nahihilo ko'' ako

''Sige, tara na'' sabi ni ate.

~~~~~ 

CLASH and DRAGONS (HGL BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon