Chapter 1 (CLASH)

1K 30 1
                                    

Scaley's POV

''Ley bumangon ka na!'' sabi ng isang boses sabay yugyog sakin.

Napamulat naman ang aking mga  magagandang mata at doon ay nakita ko bigla si kamatayan.

''Kamatayan sinusundo mona ba 'ko?'' tanong ko kay kamatayan.

Bigla naman niya akong binatukan at nagising ang buong diwa ko.

''Anong kamatayan?! Bumangon kana nga diyan, umagang-umaga ini-stress mo ko.'' sabi ni kamatayan este ni ate pala.

Bumangon na ako at pumunta sa banyo para gawin ang morning routines ko at para na din maligo, pagka raan ng maraming taon ay natapos na din ako kaya naman lumabas na 'ko nang banyo para mag bihis. Magpapakilala muna ako.....

Ako si Scaley Crystal Alvarez at kapatid ko si ate Alexa Mae Alvarez, 3rd yr. high school na ako at si ate naman ay 4th yr. high school. I'm 15 years old, lahat ng estudiyante sa AG University ay takot sa 'kin lalo na pag galit ako.

Bumaba na ako para kumain at nadatnan ko roon sila mama at papa.

''Buti naman at hindi ka naka pang-hiphop ngayon.'' Sabi ni Dad.

''Dad! Hindi nga sabi yun hiphop eh.'' Nakasimangot kong sabi.

Umupo nalang ako at kumain.

''Eh kanino pa ba yan mag mamana, edi kay Mommy.'' Pagsingit ni ate Lex.

'Epal talaga kahit kelan'

- _ -

Tumawa lang sila at mamaya maya pa ay natahimik agas silang dalawa dahil bigla silang sinamaan ni mommy nang tingin at agad 'yong napansin ni daddy.

''Ikaw naman sweetie 'di ka talaga mabiro, joke lang yun.'' Pagpapaliwanag ni daddy.

'Ayan na naman po ang kasweetan nila.'

''Tapos na po ako, hindi ko na kakayanin ang kasweetan niyo dad. Baka langgamin pa kayo diyan at madamay pa 'ko.'' Sabi ko sabay tayo.

''Ako din po. Bye mom at dad'' Sabi ni ate.

Lumapit kami sa kanila at saka sila kiniss sa cheeks.

''Mag-ingat kayo ha."

''Opo" sabay naming sagot.

Sumakay na kami sa service namin dahil bawal pa daw kaming mag maneho pero may sarili na kaming sasakyan ni ate. Ewan ko ba kela papa, binili lang yata nila yun para ipang display sa garahe. Hay first day (-_-) nakakatamad.

Nakarating na kami sa school, sakto namang pagbaba namin ay ang pag dating nila Clover, Ley at Haily.

''Yow!'' bati ni Clover.

Clover Ramirez, ang chick boy ng grupo pero sabi niya crush daw niya ko. (-_-")

''Hello'' Ate

Pagka lapit sa 'kin ni Clover ay inakbayan niya ka agad ako.

''Hoy Clover! Umagang umaga nilalandi mo na agad si Scaley.'' Ley

Ley Daizer Perez, ang bait-baitan sa grupo at bookworm pero halimaw yan pag nagalit.

''Hi guys ^__^'' Haily

Haily Jane Alcantara, ang maldita at sobrang taray sa grupo pero pag sa 'min hindi yan mataray at maldita.

''Hello Haily, tara na guys pasok na tayo.'' Ate

Habang naglalakad sa hallway ay nagtitilian ang mga estudiyante.

'Kyaaaaahh~ nandiyan na ang CLASH!'

'Ang gwapo ni Clover!'

'Ley be mine!'

CLASH and DRAGONS (HGL BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon