Chapter 16

518 24 1
                                    


Scaley's POV~~~

Dalawang buwan na ang nakalilipas, simula nung araw nayun hindi na nila ako binu-bully, naalala ko dati...

Flashback

Palabas na sana ako ng gate ng bigla akong hinila ni Megan, akala ko sasaktan niya ulit ako pero hindi pala.

''Please Scaley pakisabi kay Alexa hindi kona uulitin yun'' sabi niya at tumango lang ako.

End of Flashback

Simula din nung araw nayun ay naging close na kami ni Kurt pati narin ang mga kabarkada niya, minsan nga naiirita ko kapag nandiyan si Jessica eh, oo alam kona kung ano ang nararamdaman ko sa kanya, alam kong gusto kona siya tsk bakit kasi sa kanya pa?!

Hindi ko alam kung itutuloy kopa yung plano ko hay, napabuntong hininga nalang ako.

''Scaley anong ginagawa mo dito?'' napatingin ako sa gilid ko at nakita ko si Kurt.

''Nagpapahangin'' sagot ko.

''Sa lunes lilipat na tayo sa AG, hay'' sabi niya.

''Anong araw ba ngayon?'' tanong ko

''Thursday'' Kurt

''Kung ganon malapit na pala'' ako

''Yup, alam moba sabi sakin ni Jessica may gusto rin daw siya sakin'' Kurt.

Bakit ganun ang sakit? Sabi nila dapat maging masaya daw ako kasi masaya yung taong gusto ko, bakit naman ako magiging masaya kung may iba naman siyang gusto.

''So? Kayo na?'' yan ang lumabas na salita sa bibig ko.

''Hindi pa, pero malapit na'' sabi niya habang nakangiti.

Hindi ko alam pero may tumulong luha galing sa mata ko.

''Oh Scaley bakit na umiiyak?'' Kurt

''Wala ito'' ako

''Bakit nga?'' ako

Mas lalo lang akong naiyak.

''Bakit kaba kasi umiiyak? May problema ba?'' Kurt

''Oo'' ako

''Ano?'' kurt

''Ang manhid mo Kurt!'' sabi ko at umalis na.

Kurt's POV~~~

''Ang manhid mo Kurt!'' sabi niya at umalis na.

Hala! Bakit nagkakaganon yun? Umalis na din ako at pumunta sa room pero sila.

''Oh Kurt nandito kana pala, umiiyak si Scaley kanina ah'' Mark

''Alam ko'' ako

''Anong nangyare?'' Dwight

''Kanina nag-uusap kami tapos bigla niya akong sinabihan na Manhid'' ako

''Ano bang pinag-uusapan niyo?'' Jian

''Yung tungkol samin ni Jessica, ayun bigla siyang umiyak at sinabihan akong manhid'' ako

Naging seryoso naman bigla si Jian at Alzey.

''Alam kona kung bakit'' Alzey

''Bakit?'' ako

''May gusto siya sayo'' Alzey/ Jian

''Ha? May gusto sakin si Scaley?'' ako

''Oo'' sabi nila.

Napa-isip naman ako bigla, totoo kaya yun? Takte nagiging bobo na ako pagdating sa love tsk.

~~~~~


CLASH and DRAGONS (HGL BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon