Scaley's POV~~~
Kakagising ko lang kaya nag inat muna ko at pumunta na ng banyo para maligo. Pagkatapos ko maligo ay sinuot kona ang uniform ko, bumaba na ako para kumain.
''Good morning Scaley'' bati skain ni tito Justine, nginitian ko lang siya at umupo na ako sa upuan at kumain. Nang matapos akong kumain ay nag paalam na ako sa kanila.
Sumakay na ako sa kotse at pinaandar na ni kuya Darwin yung sasakyan. Si kuya Darwin nga pala ang driver nila sa mansion at siya lang din ang ka close ko.
''Kuya sa Public High po'' sabi ko.
''Hindi ka naba sa AG nag-aaral Sca?'' ayan na naman yung tawag niya sakin, okay lang nasanay na ako eh.
(A/N: Sca pronounce as Iska)
''Opo pero pagkalipas po ng 3 months babalik na ako sa AG'' sabi ko.
''Baka mag kita kayo ng anak ko, doon din siya nag-aaral eh'' kuya Darwin.
''Talaga po? Ano pobang pangalan ng anak niyo?'' umiiral na naman ang pagiging chismosa ko joke haha, curious lang talaga ko.
''Kurt ang pangalan niya'' kuya Darwin.
''Kurt as in Zylan Damon Kurt Lee?!'' tanong ko
''Oo, bakit nag kita naba kayo?'' kuya Drawin
''Opo saka classmates kopo siya'' sagot ko, sinabi kona rin kay kuya Darwin na ililipat si Damon sa AG pagkalipas ng 3 months. Nag kwentuhan lang kami ni kuya Darwin buong byahe, nang makarating na kami sa Public High ay bumaba na ako at nag paalam na.
Habang nag lalakad ako sa hallway ay may tumawag sakin kaya napalingon naman ako si Zea lang pala.
''Kanina pa kita hinahanap'' sabi niya.
''Sinabi ko bang hanapin moko?'' wag kayong magtaka talagang ganyan ako.
''Ang sama mo sakin'' sabi niya at nag pout, ang cute niya gusto ko sanang pisilin yung pisnge niya kaya lang wag na.
Pagkarating namin sa classroom ay nakita ko kagad sila Damon kaya lumapit ako sa kanila.
''Congrats'' sabi ko sabay ngiti, napatingin naman sila sakin.
''Bakit?'' Damon, binigay ko sa kanya yung envelope at kinuha naman niya kagad.
Matapos niyang basahin yun ay napatingin siya sakin at gulat na gulat pero nakabawi din siya tapos tumayo siya at niyakap ako kaya nagulat ako.
*dug*dug*dug*
The Heck bakit ang bilis ng heartbeat ko?!
Bumitaw din siya kagad at ang loko naka ngiti pa.
''Salamat ah'' sabi niya.
''Kurt ano ba yung nabasa mo at may payakap effect kapa?'' sabi ni Mark
Kaya ko alam ang pangalan nila dahil tinanong ko kay Zea.
''Good news mga tol'' masayang sabi ni Damon.
''Ano ba yun?'' sabi ni Jian
''Naka enroll na tayo sa AG!'' Damon, bigla namang napahinto si Mark sa pagte-text, si Dwight naman ay napatigil sa pages-selfie, si Jian naman ay napatigil sa pag kain, si Alzey naman ay napatigil sa pakikinig ng music, sabay-sabay silang napaharap kay Damon.
''HAHAHAHHAHA'' tawa nila
''Anong tinatawa-tawa niyo diyan?'' Damon
''Ang ganda ng joke mo pre'' Mark
BINABASA MO ANG
CLASH and DRAGONS (HGL BOOK 2)
Novela JuvenilC - Clover Ramirez L - Ley Daizer Perez A - Alexa Mae Alvarez S - Scaley Crystal Alvarez H - Haily Jane Alcantara Read the prologue ^_^