Chapter 15: Alexa vs. Megan

554 29 5
                                    

Scaley's POV~~~

Nandito na kami sa bahay at kasama parin namin sila Clover, umakyat na ako sa taas para mag bihis, pagkatapos kong mag-bihis ay nahiga ako sa kama at nag fb.

Pagbukas ko ng fb at picture kagad nila ang nakita ko, grabe ha sinasadya ata nila eh.

''Scaley'' bigla naman akong nagulat, nako kung may sakit lang ako sa puso kanina pa ako patay dahil kay Clover.

''Bakit ka nandito? Lumabas ka nga!'' ako

''Easy ka lang'' sabi niya at humiga pa sa kama ko. Hindi kona lang siya pinansin, ganyan naman yan eh kahit nung mga bata pa kami minsan nga dito yan natutulog sa kwarto ko eh.

Umupo ako sa kama ko at saka nag fb, naiirita na nga ako eh dahil puro picture nila Jessica ang nandito. Habang nag i-scroll ako ay bigla akong niyakap ni Clover mula sa likuran, ganyan naman yan lagi eh ang hilig mang yakap.

''Omy goodness Scaley? Clover?'' bigla namang napa bitaw si Clover kaya tiningnan namin kung sino yun, si ate at Haily.

''Kayo na?'' ate

''Hinde noh!'' sabay naming sabi ni Clover.

''Eh bakit nakayakap sayo si Clover?'' Haily

''Eh paki moba?'' Clover

''Ate lumabas nga kayo!'' ako

''Tara na Haily baka nakakasira tayo sa moment nila'' ate, sinamaan ko lang siya ng tingin.

Nung umalis sila ate ay piningot ko si Clover sa tenga.

''Aray ko! Bakit kaba namimingot?'' inis na sabi niya.

''Eh bakit kaba nangyayakap?'' sabi ko at tinaasan ko siya ng isa kong kilay.

''Gusto mo din naman eh'' sabi niya at ngumiti pa. Sinuntok ko naman siya sa braso siya.

"Aray ko! Babae kaba talaga?'' Clover, hindi ko nalang siya pinansin at nag fb nalang ako.

*Knock*Knock*

Napatingin naman ako sa pintuan.

''Hoy Clover tara na'' aya ni Ley kay Clover

''Sige'' sabi ni Clover at tumayo na.

''Scaley alis na kami ah'' paalam ni Ley, tumango lang ako. Si Clover naman kinindatan pa ako.

Natulog nalang ako.

Zzzzzzz

Fast Forward (Monday na)

Kakagising ko lang at dumeretso na ako sa banyo para maligo. After 30 minutes lumabas na ako para mag bihis. Pagkatapos mag bihis ay bumaba na ako para kumain at nakita ko si ate na kumakain.

''Morning'' bati ko.

''Morning!'' masayang bati niya.

''Ang saya mo ata'' ako

''Syempre kailangan maging masaya dahil mamaya...'' sinadya niyang putulin ang sasabihin niya, tsk alam ko namang mangugulo lang siya sa Public High eh.

Nung matapos kaming kumain ay umalis na kami.

---Public High---

Kakapasok palang namin sa gate pero rinig na rinig ko na yung bulungan nila.

'Pre chicks oh'

'Tanungin natin mamaya pangalan'

''Scaley!'' sabay kaming napatingin ni ate sa tumawag sakin at si Zea lang pala.

''Sino yan Scaley?'' tanong ni Zea.

''Amh kaibigan ko, ate si Zea kaibigan ko'' ako

''Bakit ate tawga mo?'' Zea

''Mas matanda siya sakin eh'' ako

''Amh Zea mag-uusap lang kami ni Scaley ah'' sabi ni ate at hinatak ako sa gilid.

''Anong kaibigan ka diyan?'' ate

''Ayoko ngang sabihin na kapatid kita saka na pag nasa AG na tayo'' ako

''Bakit lilipat ba sila sa AG?'' ate

''Oo noh! Planado kona lahat ate'' sabi ko ng nakangiti.

''Langya ka pa lang bata ka eh bakit mo pa ako pinayagang makalipat dito?"' ate

''Sabi mo final na yung answer mo eh'' ako

''Tsk'' sabi niya at nag walk out.

''Anyare dun?'' Zea

''Ewan ko, tara na'' sabi ko at naglakad na kami papunta sa classroom namin.

Pumasok kami ng classroom at masama na naman ang tingin sakin nila Megan, napatingin ako kay Kurt dahil nakatingin din siya sakin, tinaasan ko lang siya ng isa kong kilay at umupo na ako.

---Lunch--- (Sorry guys tamad si author eh haha kaya ang bilis)

Nasa cafeteria kami ngayon ni Zea at kanina pa siya daldal ng daldal pero hindi ko siya pinapansin. Nung naka order na kami ay humanap kagad ako ng upuan at nakahanap naman kagad ako, pumunta kami doon at nilapag ko yung tray at uupo na sana ako kaya lang may humila ng upuan paatras kaya napa upo ako sa sahig.

''Ano ba yan ang tanga mo naman'' napatingin ako sa likuran ko at nandun si Megan

''Pwede ba Megan tigilan mo na kami'' napatingin ako kay Zea dahil sa sinabi niya, first time niya mag salita ah.

''Haha nakakatuwa naman, bakit nerd lumalaban ka na ba?'' Megan

Tumayo si Megan at binuhusan ng tubig si Zea, at buti nalang tubig yun. Teka nga bakit ba hindi pa ako tumatayo dito sa lapag grr, tumayo na ako at umupo. Pag harap ko kay Megan ay binuhusan niya ako ng tubig sa muka.

''Walangya kang babae ka!'' napatingin ako sa sumigaw at nakita ko si ate na galit na galit. Bigla niyang sinampal si Megan, dahil sa lakas ng sampal ni ate ay napaupo si Megan. Napansin ko rin na nakatingin na sa kanila lahat ng estudiyante sa cafeteria pati nadin ang grupo ni Kurt.

''How dare you!'' sabi ni Megan at akmang sasampalin si ate pero nahuli kagad ni ate ang braso ni Megan, sinabunutan niya si Megan. Ang amazon talaga ng babaeng to.

Bigla namang dumating si Jessica at pinigilan silang dalawa, lumapit nadin yung mga alipores ni Megan at naki awat narin. Nung magkahiwalay na sila ay nagsalita si ate.

''Sa susunod na may gawin kang masama kay Scaley, ako na ang makakalaban mo'' banta ni ate.

''Akala mo ba matatakot ako sayo? Sino kaba sa akala mo? Baka nga mas malakas pa ako sayo, gangster kaba? Eh muka ngang hindi eh'' sabi ni Megan at susugurin na sana siya ni ate pero pinigilan siya ni Jessica.

''Gusto mong malaman kung sino ako?, hah! Sige sasabihin ko...'' putol na sabi ni ate.

''Then go on'' Megan

''I'm Alexa Alvarez from the CLASH'' bigla naman silang natahimik.

''Makinig kayong lahat! Sa susunod na may gawin kayong masama kayo kay scaley ang buong CLASH na ang makakalaban niyo! At ikaw naman Megan, kayang-kaya kong patalsikin ang gang niyo sa strongest, alam mo kung bakit? Hmm sa tingin ko hindi mo alam, Ang mama at papa ko lang naman ang Queen and King see? Kayang kaya kong patalsikin ang gang niyo, gusto mo sabihin ko mamaya sa kanila?'' sabi ni ate.

Nagulat kami ng biglang lumuhod si Megan at hinawakan niya si ate sa binti.

''Wag po, maawa kayo samin, pangako po hindi kona uulitin ko'' gusto ko sanang matawa eh kaya lang pinipigilan ko.

''Shit! don't touch me'' sabi ni ate, nakinig naman si Megan.

''Scaley tara na nga'' sabi ni ate at hinila ako palabas ng cafeteria.

~~~~~


CLASH and DRAGONS (HGL BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon