Chapter 3 (She save me)

558 24 0
                                    

Scaley's POV

Bumangon na ako sa higaan at tinignan kung anong oras na.

7:30 na pala -__-

''Ano 7:30 na agad?! 30 minutes nalang male late na 'ko. Letcheng yan.''

Pumasok na agad ako sa banyo para maligo mga 10 minutes lang ata ako naligo. Pagka labas ko ng banyo ay nagbihis na agad ako. Pagka tapos non ay pinusod ko na yung bangs ko pataas, tapos naglagay ulit ako ng panyo sa ulo. Kinuha ko na 'yung bag ko at bumaba na. Hindi na rin ako kumain at agad na 'kong dumeretso sa labas kung saan ko nakikita si Clover nakasandal sa kotse niya

(- __ -)

''Anong ginagawa mo dito?'' Ako

''Ano pa ba? Edi ihahatid ka.'' Clover

''Bakit? Eh pwede naman akong mag pahatid sa driver namin ah.'' Ako

''Wag ka na ngang dumaldal, sumakay ka nalang.'' Sabi niya at saka ako pinagbuksan ng pinto kaya naman sumakay na din ako.

Habang bumabyahe kami ay wala ni isang nag-sasalita sa aming dalawa.

'Ang awkward namin.'

---Public High---

Pinag buksan niya ako ng pinto kaya bumaba na ako.

Maglalakad na sana ako kaya lang ay bigla akong inakbayan ni Clover, hindi ko na lang yun pinansin dahil sanay na din naman ako.

''Teka nga, bakit ka nga ba sumama dito? Saka kaya ko naman pumunta ng classroom ng mag-isa.'' Ako

''Wala lang, baka kasi may mga chicks dito.'' Hay nako chick boy talaga.

Habang naglalakad kami sa hallway ay rinig na rinig ko na yung bulungan nila.

'OMG ang gwapo nung kasama nung girl.'

'Ang cool nung girl, bagay sila.'

Pagka rinig ko non ay agad akong nandiri. Si Clover naman ay nag pipigil ng tawa. Tss, kilig na kilig?

Nandito na kami sa harap ng pinto ng classroom ko pero hindi muna ako pumasok at saka napa tingin kay Clover.

''Ready ka na ba?'' Clover

Tumango lang ako at kumatok na siya sa pintuan.

Kurt's POV~~~

*Tok *Tok *Tok

Napa tigil si Mam Ellis sa pag che-check ng attendance dahil may kumatok, tumayo agad si Mam at saka binuksan yung pinto.

''Nandito na pala ang bago niyong classmate.'' sabi ni Mam.

Pagka sabi naman non ni Mam ay pumasok na rin ang magandang babae na mukha ngang gangster.

''Scaley aalis na ako ah.'' Napa tingin kaming lahat sa nag-salita.

May lalake doon sa labas ng room namin at siguradong tiga AG din siya.

Tumango lang yung Scaley.

''Okay miss, please introduce yourself first before you sit.'' Mam

''I'm Scaley Crystal Alvarez, 15 years old.''

''Okay, you may now sit beside Mr. Lee.'' Mam

Naglakad siya papunta dito at umupo na siya sa upuan, pinag mamasdan ko siya ng biglang...

''Anong tinitingin-tingin mo diyan?!'' Scaley, bigla ko namang iniwas yung tingin ko. Mukhang bad girl to ah.

---Lunch---

Puro lesson lang ginawa namin kanina buti nalang talaga at maagang nagpa dismiss. Nandito na kami ngayon sa cafeteria. Umupo kami sa bandang likuran, ang um-order naman ng pagkain namin ay sila Jian at Alzey.

''Hi guys!'' napa tingin kami sa bumati si Jessica lang pala. Umupo siya sa tabi ko.

''Hello.'' bati namin.

''Nasan yung transfer student?'' Jess, tinuro naman ni Mark yung transfer.

''Mukhang bad girl ah.'' Jess

''Nakakatakot ngang lapitan eh.'' Dwight

''Amh guys pwede ba akong humingi ng favor sa inyo?'' Jess

''Sige, ano ba yun?'' Ako

''Kailangan kasing i-interview yung transfer student, pwede bang kayo nalang ang mag interview sa kanya?'' Jess

''Amh guys c.r lang ako ah.'' Mark

''Ako man.'' Dwight

Aba maduduga to ah, humanda sila sa 'kin mamaya.

''Ah eh, sige na nga ako nalang mag iinterview sa kanya.'' Sabi ko at saka ngumiti sa kanya.

''Talaga? Thank you.'' Sabi niya sabay yakap sa 'kin.

Kung hindi lang talaga kita gusto eh hay.

Scaley's POV

Pagka tapos kong kumain ay pumunta muna ako sa garden para mag pahangin saglit, habang tahimik akong nakaupo dito sa may bench ay may narinig akong ingay, malapit lang sa pwesto ko.

''Lampa!''

''Tigilan *sniff* niyo na *sniff* ako.''

Hindi ko na sana papansinin kaya lang ang ingay talaga eh kaya naman pinuntahan ko na at nakita ko doon ang tatlong babae na binu-bully ang isang nerd. Tsk akala ko sa private lang may mga nambu-bully, dito rin pala.

''Pwede bang wag kayong maingay.'' Sabi ko at napatingin naman sila sa akin.

''Pwede din ba na wag kang makielam kung ayaw mong madamay.'' Sabi nung babaeng payat. Langya... Gusto ata ng babaeng 'to na masuntok sa mukha eh.

''Aalis kayo o sisikmuraan ko kayo?'' Ako, bigla naman silang natawa sa sinabi ko.

''Ikaw? Haha eh mukha ka ngang lampa.'' sabi naman nung babaeng makapal ang make-up.

Sinikmuraan ko silang dalawa at napa luhod naman sila sa sobrang sakit, yung babaeng naka contact lens na green naman ay biglang napa lunok.

''Ano? Aalis kayo o aalis kayo.'' Maangas kong sabi at bigla naman silang nag-sitayuan at saka kumaripas nang takbo.

'Mga takot naman pala, sino ngayon ang lampa tss.'

Tiningnan ko yung nerd saka ko s'ya nilapitan, hindi ko na talaga alam kung anong naisip ko at nangyayari sa 'kin dahil sa pagkaka alam ko, eto ang UNANG BESES kong nagligtas tao.

'Ang isang ganster na katulad ko nagligtas lang naman ng isang nerd. Funny right??'

Zea's POV

"Ano? Aalis kayo o aalis kayo." Cool na sabi nung babae.

Pagka sabi n'ya non ay agad nang umalis yung tatlo at mabuti naman, kung hindi ay paniguradong bugbog sarado na naman ako sa kanila.

''Okay ka lang ba?'' Tanong nung babaeng tumulong sa 'kin.

''Opo.'' sabi ko, tinulungan niya akong makatayo.

''Anong pangalan mo?'' tanong niya.

''Z-zea po.'' Nauutal kong sabi.

''Wag ka ng mamupo, ako nga pala si Scaley.'' Sabi n'ya sabay lahad ng kamay nito na agad ko rin namang kinamayan.

Maya maya pa ay umupo na kami dito sa bench at nagkwentuhan sa mga bagay bagay at nalaman ko rin na galing pala siya sa AG University. Ang saya ko dahil may kaibigan na ako at gangster pa.

'Nakaka panibago pero ang saya.'

(^ _ ^)

Nag papasalamat din ako sa kan'ya because SHE SAVED ME.

CLASH and DRAGONS (HGL BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon