chapter 40

62 4 0
                                    

"Hahahahahahaha kayo nga yung matapang na pumunta punta dito tapos kayo galit?"

Sabi nung isa na bigla nalang lumabas galing sa likod nung dalawang lalaki.
Mas nakakatakot tignan ang itsura nya.
Namumula ang mata at masama amg tingin lalo akong natakot ng may nakita akong kutsilyo sa likod nya.
Alam kong pag nanlaban kami pwede kaming mapatay ng mga lalaking to.

Unti unting lumapit sakin ang isa sakanila.
Tinignan ako mula ulo hanggang paa.
Tinignan nya ng masama si Jake.
Tahimik lang si jake na nakasunod ang tingin sa kung saan ang lalaki pupunta.
Kinakabahan na ko.

Nasan na ang souls?
Bakit ang tagal nila?
Hanggang sa hinawakan ako sa braso nung isa sabay tawa.
Yumakap lang ako kay jake.
Napapansin ko na nag lalabasan na din ang iba pang mukhang addict sa paligid.
Nakasilip sa taas ng bintana ang iba.
Tapos yung iba nag mamasid sa dilim.

Flaire: ano ba?! Wag nyo ko hawakan!

Sabay tulak ko sa isa sa mga lalaking humawak sakin.

Naiinis ako.
Bakit hindi ako pinagtatangol ni jake?

Flaire:jake tulungan mo ko dito!

Sigaw ko sa kanya na diretso lang na nakatayo.

"Hindi ka mahal nyan ate kaya sumama kana."

Sabi nung lalaki na biglang humawak sa braso ko.
Tumingin lang sakin si jake habang halos hilahin ako nung mga lalaki.

"Mahal mo ba talaga ako o hindi? Jake sumagot ka!"

Sigaw ko sa kanya habang unti unti akong napapalayo sa kanya.
Hindi manlang nya ako sagutin.
Ano bang nangyayari?
Sobrang sakit sa loob na hanggang dun lang ba ang tapang nya?
Hindi na ko pumalag sa mga humihila sakin.
Siguro nga talagang hindi nya ko mahal.

Unti unting tumulo ang luha ko habang hindi ko na sya nakikita dinadala ako ng mga lalaking hindi ko halos kilala.
At alam kong masasamang loob sila.
Pero ngayon parang wala na akong pakialam.

Bahala na.

"Te ano? Masakit ba maiwan? Haha sabi ko sayo di ka mahal nun eh ginagamit ka lang nun."

Flaire:siraulo ka! Walang hiya!

Sigaw ko sabay hampas sa lalaking may hawak sakin.
Mabilis nyang hinila ang buhok ko.

"Mas siraulo ka! Ikaw pa matapang wala ka naman binatbat eh. Punta punta ka dito nag dadala ka pa ng kakamping duwag."

Sabi nya sakin at bigla akong sinampal.
Napahiga ako at umiyak nalang.
Pero hindi pa sya tapos Kinaladkad nya ako at hinila pa akyat ng hagdan.

Flaire: ano ba bitiwan mo ko! Tama na!

Sigaw ko sa kanya.
Pero sinampal nya ko ulit na nag padugo ng labi ko.

"Sasama ka o papatayin kita?!"

Natahimik ako sa mga sinabi nya nabutan ako ng takot.

"Tatahimik ka pala eh."

Pag akyat namin merong mga lalaking nag susugal na tanging kandila lang ang ilaw.
May naninigarilyo sa dilim na usok lang ang makikita mo sa liwanag ng bintana.
Halos lahat nakatingin sakin.
Sumusut sot ang iba.
At nagbubulungan.

Dinala nya ko sa mas malaking kwarto.
Lalo akong natakot sa kanya.
Baka rape-in nya ako at patayin.

Flaire: kuya! Nag mamaka awa ako wag nyo kong sasaktan .
Pakawalan nyo na po ako wala naman akong ginawang masama!

"Gagu, edi lagot ako sa amo ko? Chaka hindi naman ako mabait. Mas nakakagwapo nga pag badboy diba?"

Flaire: A,amo? Sino?

Chaka nya ako tinulak sa pintuan ng mas maliit pang kwarto sa pinasukan namin.

"Pasok."

Sabi nung lalaki habang nakasilip ang iba pa sakin.

"Pasok nga eh!"

Sigaw nya sakin kaya unti unti kong tinulak ang pintuan sa likod ko.

Isang gasera lang ang nasa loob ng kwarto.
At isang matandang lalaki.
Namumula ang mata nya.
Naninigarilyo at sobrang nakakatakot.

Napaisip ako.
Sya kaya ang tatay ko?

my kidnapper's daughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon