chapter 43

63 3 1
                                    

Flaire:tama na! Please hayaan nyo na sya umalis!

Sigaw ko sa mga lalaki.
Hindi ko alam kung paano tutulong.
Nadudurog ang puso ko na makitang halos di na makatayo si jake.
Nakatingin lang sya sakin.

Jake:umalis kana..

Mahinang sabi nya sakin na halos kapusin na ng hininga.
Hanggang sa unti unti pumikit sya.
Lalo akong natakot.
Agad akong tumakbo palabas.

"Hayaan nyo na wala naman tutulong dyan haha
"

Yun nalang ang tanging narinig ko habang pababa ako ng hagdan.
Agad akong lumabas pero halos dilim at mga abandonadong building ang nakalibot sakin.

Flaire:Tulong! Tulungan nyo kami!!

Yun lang ang kaya kong sabibin habang umiiyak.
Halos di na ko makahinga.
Sinibukan kong tumakbo.
Pero sa bawat kalsadang nadadaanan ko parang wala akong mahihingian ng tulong.
Nakita ko ang kotse ni Jake.
At nakita ko yung phone nya sa upuan ng kotse.
Tumatawag si Dan.

Pero hindi mabuksan ang kotse.
Humanap ako ng pwedeng maibasag sa salamin ng kotse.
Pero hindi talaga.

Naupo na ko sa sahig.
Nawawalan na ng pag asa.
Ang gusto ko nalang isuko ang sarili ko para tumigil na sila.
Hindi ko tatay ang lalaking nandito.

Napagbintangan lang pala ang tatay ko.
At nakakulong sya.
At ngayon may isa pang mahalagang tao ang mawawala sakin.
Hindi ako papayag dahil sila lang ang pag asa ko ngayon.
Hanggang sa nakakita ako ng isang makapal na bakal sa gilid ng isang lalaki sa dilim.
Disperado na akong makuha yun para makahingi ng tulong.

Dahan dahan akong lumakad.
Nang mahawakan ko ang bakal dahan dahan kong hinila pero mabigat.
Halos hindi ako huminga wag nya lang maramdaman na nasa likod ako.
At sa isa ko pang hila tuluyan kong natanggal ang bakal.
Buti nalang hindi nya narinig.
Agad akong tumakbo pabalik ng kotse.

Flaire: okey flaire kaya mo yan. Para kay jake. Para sa tatay mo. Maging matapang ka. Diba kaya mo yun?

Nasabi ko nalang at isang malakas na hampas ang ginawa ko.
Narinig ko kaagad ang takbuhan sa paligid.
Hinampas ko ng hinampas ang salamin para maabot ang phone ni jake.

Narinig ko na ang tawanan ng mga lalaki.
Naabot ko ang phone nya pero hindi ko nakuha.

Dahil nasa likod ko na ang mga lalaki.

"Te kotse mo?"
"Wow ganda naman parang ikaw."
"Amin ka nalang te."

Sabi nila sakin sabay hawak sa braso at ibang parte ng katawan ko.

Flaire:ano ba!? Wag nyo ko hawakan!

Tanging iyak nalang ang kaya kong gawin.
Walang wala na kong pag asa.
Hindi na ko makakahingi ng tulong.
Tapos na dito na kami mamamatay ni jake.
Si jake nalang ang tangi kong iniisip.

Halos bugbugin din ako ng mga lalaki.

Hanggang sa hindi ko na maramdaman ang katawan ko.

my kidnapper's daughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon