chapter 47

168 4 3
                                    

2 weeks after lumabas na ng ospital si Flaire.
Pumunta ng pilipinas si mommy ng mabalitaan nya ang totoong nanyari sa tatay si Flaire.

*masipag na pulis ang tatay mo alam mo ba. Nung napagkamalan syang pumatay kay Mr.Larena nakulong sya ng almost 2 years. Ako pa nga nag bantay sa kanya nun eh. alam mo napakulit ng tatay mo lagi nyang pinapakiusap na pwede daw ba syang sumulat sayo. Sa inyo ng nanay mo. Pero alam mo naman batas ang batas napawalang sala sya kasi wala naman talagang ibedensya. Matapos nun nag aral ang tatay mo. Walang wala nga sya nun eh kaya dito sya sakin sa dorm ko nakatira. Pinaaral ko sya kasi gusto nya daw mag pulis. pag pulis na daw sya hahanapin nya daw kayo matagal din yun pero natupad nya, naging pulis ang tatay mo. Hinanap nya kayo pero di na nya kayo nakita.
Nag sikap sya para sayo. Kasi gusto nya na lumaki kang hindi mahirap. Kaya ito.. Itong sobreng to may cheke dyan inipon nya yang ng halos 11 years para sayo. Para daw kung mawala sya may susuporta sa pag aaral mo.*

Inabot nya sakin ang isang sobre.
At tanging tulo nalang sa mga mata ko ang pwede kong maisagot kay sir Lagaspi.
Nakahawak lang sa braso ko si mama habang nakaupo kami sa kama kung saan dating natutulog ang tatay ko.
Hindi ko inasahan na ganito pala ang katotohanan.
Napakalayo sa alam ko.
Na akala ko ang tatay ko ang may gawa ng lahat pero hindi pala.
Naging proud ako sa tatay ko at nag sisi ako kung bakit ako nagalit sa kanya.
Hindi ko alam na mahal na mahal nya pala ako.
Malaking pera ang naipon nya para sakin tanging iyak nalang ang naibayad ko para sa kanya.
Kasama ang isang envelope sa iniabot sakin ni Sir Legaspi.
Mga picture ng tatay ko mula nung nakalabas sya ng kulungan nag aral maging pulis. Grumaduate sa pagiging pulis at nag iisang picture ko nung baby ako.
Nakasulat pa sa likod ng picture ko na "anak ko."

Iyak nalang ako ng iyak.
Ang laki ng pag sisi ko pero mas malaki ang pasasalamat ko.
Alam ko na kaya ganito yung mga napagdaanan ko sa buhay kasi nanjan sya.
Kaya kahit ka delikado ang mga nanyari sakin heto at buhay parin ako.
Alam ko sya din ang may gawa kaya nakilala ko si jake.
Para din pala mabigyan ng justice yung mga nanyari sa kanya.

Kasama ang tatay ko sa mga pulis na nakalibing sa sementeryo ng mga bayani.
Marami na syang kabayanihang nagawa at awards na nakuha.
Hindi man ako umabot na buhay pa sya alam ko na masaya sya kasi nadagdagan nanaman ang reward na nakuha nya. Ako ang reward na hinihintay ni papa.
Kaya alam ko na sobrang saya na nya ngayon.

Nakatira kami sa iisang bahay ni Jake.
Dahil may nakilalang mas mayaman na lalaki ang step-mother nya agad din yung nag punta sa ibang bansa kasama ang dalawang anak.
Kaya lahat ng yaman at negosyo ng papa nya sya na ang nag manage.

Buo parin ang Souls at makukulit talaga sila mula palang nung una.
Pero kahit papano nag mattured naman si Jake.
Alam kong sa paglipas ng taon hindi na sila ganyan kakukulit kasi balang araw sila nadin ang mag maman ng kanya kanyang negosyo ng pamilya nila.
Pero sa ngayon mas mabuti ng maging ganyan na muna sila.
Mga badboy. Mga siga. Mga heartrob. At mag kakaibigan.

Plano na namin mag pakasal ni jake pag katapos namin grumaduate.
Ano pa nga naman daw ang hihintayin eh kasal nalang daw ang kulang patatagalin pa ba?

Hhhaaay napaka haba ng nanyari sin bago humantong sa ganito. Kaya tama lang talaga na happy ending ang katapusan diba?

Salamat sa pagsubaybay sa storya namin.
Pasensya na kung inabot ng taon haha.
Salamat 💗









Aug.03.15
Jul.26.16

@IWasBornInSeptember

my kidnapper's daughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon