Chapter 36

68 4 0
                                    

Halos pag pawisan na ako sa hirap ng pag tatago sa kanya.
Lalo na ang tangi lang paraan para hindi ka makilala e yung sombrero lang.
Tapos halos yung balat nyo mag dikit na.
Sana talaga Lord wag nyo ako ibuko.

Matapos ng halos oras din nag announce na ang flight attendant na pwede na gumamit ng phones.
Kinabahan ako bigla paano kung tumawag si mama sa kanya.

Rring rring.

O.O

OMG.

ayan na nga ba eeh.
Kalma flaire kalma.

DAN:don't worry ma.She's here.

Nagulat ako sa narinig ko.
Alam nyang kasama nya ko?
Unti unti lumingon ako habang sya dinidiscribe kung anong itsura ko sa phone.
At nakatingin lang sya at nakangiti sakin.
Anak naman ng kalabaw oh!
Sana kanina palang sinabe na nya para may plan B ako!
Tsk tsk tsk.
Napabalik nalang ako sa pag kakalingon ko sa bintana.

DAN:jake.

Napalunok ako ng marinig ko ang pangalan nya.
Saglit palang kaming hindi mag kasama pero parang ang tagal na na halos umabot ng taon.
Wala panga atang 24 hours akong nawala eh.
Ano nalang kaya sasabihin nun pag nakita ako.

Hhmm bahala na.
Pareho naman kami ng taong hinahanap eh.
Pero?
Paano na?
Kung tatay ko yung pumatay sa Dad nya ibig sabihin papatayin nya tatay ko?

FLAIRE:uhm Dan.

Mahinang tawag ko kay Dan na kapapatay lang ng phone.
Lumingon lang sya sakin at nag taas lang ng kilay.

FLAIRE:anong sabi ni mommy?

DAN: hhmm wala naman. Sabi nya ingatan daw kita kasi wala ka nanaman sa bahay baka kung san san ka nanaman daw mapunta.

FLAIRE:aah.

DAN:why?

Bigla akong kinabahan nung nag tanong sya sakin.
Pero sigurado hindi sinabe ni mommy ang dahilan kay Dan.
At buti nalang hindi.
Sabagay kasi hindi din naman alam ni mommy ano ba talagang gagawin nito sa pinas.
Hindi nya alam itong gwapong to basagulero to.
Pero mabait naman.
Ideal boyfriend nga talaga.
Lagi ngang tulo laway ko nung nakasama ko sya sa bahay nya eh.
Pero mejo nahihiya din ako pag naiisip ko yun.
Dati na kaming nag kkiss.
Tapos mag kapatid pala kami sa ina -_-

Pero syempre nabuo na ang feelings mo bago mo palang malaman kaya kahit na mag kadugo kayo iba parin talaga yung turingan nyo.
Pero mas lamang talaga ang kay Jake haha.
Ewan ko ba basta mahal ko sya .

DAN:flaire?

FLAIRE:hah? Ah wala wala hehe.

Nasabi ko nalang.
Bakit nga naman nakipag chickahan muna ako sa inyo bago ko sya sinagot noh?
Haha

FLAIRE:alam ba ni Jake na uuwi ako?

Tumingin sya ng seryoso sakin.

DAN:no. Hindi ko pina alam kasi sigurado  kung ano ano nanaman ang sasabihin nun sayo lalo na kay mommy safe ka.
Tapos sasabihin ko kasama kita naka cap jacket at parang mag nanakaw na sinusundan ang gwapong gaya ko.

FLAIRE:ayos ka ah.

Sabi ko sa kanya tapos bigla syang natawa.
Pero as always.
Ang tawa nya ngiti lang na labas ngipin hahaha.
Pabebe pa kunwari.
Palibhasa tumitingin tingin din kasi yung ibang pasahero sa kanya.
Baka maraming himatayin pag tumawa sya haha

Ilang napaka habang oras makalipas bumaba na kami..
Halos bangag ako sa byahe kasi naman hindi ako makatulog lalo na mukhang maraming mangyayari sa pag balik ko sa bansa.

Kaya ng nakababa na ko ng eroplano nanlalalim na ang mga mata ko.

DAN:anong nangyari sayo?

Sagot nya na parang shock na schock sa itsura ko.
Ngumiti lang ako.

Ngiting lasing.

Parang gusto ng bumagsak ng katawan ko.
Wala akong na aaninag kundi isang malawak at malambot na kama.

Nagising lang ako nung inakbayan ako ni Dan.
May spark kasi talaga hahaha.
Parang may kung anong dumaloy sakin.
Pwede pala maging human charger tong si Dan eh haha.
Tumingin ako sa kanya na nag mamasid masid sa paligid.

FLAIRE:san tayo pupunta?

tanong ko sa kanya na mahigpit paring nakakapit sakin.

DAN:uuuhhmm sa lugar kung saan pwedeng kumain.

Nang marinig ko kagad yung sinabe nya naging "Eagle eyes" agad ang mga mata ko at mabilis na naka spot ng kainan para kumain.

FLAIRE:dun!

Sabi ko sabay turo.
Natawa sya sandali. Sus nag takip pa ng bibig tatawa lang naman.
Tapos binuhat na nya yung ibang gamit.
Tinitignan sya ng mga tao.
Kasi naman super gwapo talaga.
Tapos dumiretso kami sa isang stall dun at kumain.

FLAIRE:uhm Dan.

DAN:hmm?

FLAIRE:may alam ka ba na pwede kong tirahan muna?

Yun kasi yung problema eh.
Nabuko na nga nya na kasama nya ko.
Tapos babalik ako dito ng walang idea kung san titira.
So kahit pala hindi ko sya kasama baka lalapit parin ako sa kanya para humingi ng tulong.

DAN:uhm hahanapan kita ng apartment na malapit lapit lang sakin para naman mabantayan kita. Okey lang?

FLAIRE:syempre naman noh! Hindi naman ako maarte eh

Sagot ko.
Ngumiti lang sya sakin.
Matapos kumain nag taxi na kami papunta sa condo nya para kunin yung kotse at maihanap ako ng matitirahan.

Habang nasa taxi.
antok na antok talaga ako.
gusto ko ng bumulagta sa kung saan
Hindi din naman ako makatulog ng nakasandal kasi dudulas din ako pagilid.
Ang awkward naman kung sasandal ako kay Dan.

Ano ba Elaine!kuya mo naman yan!
Hello elaine remember? Kuya mo ngayon pero may feelings yan sayo!
Elaine wala naman masama sasandal ka lang naman!
Ano ba utak!
Iisa kalang naman para ka pang may kaaway jan.

DAN:tulog ka muna sandal ka sakin.

Sabi nya habang nakatingin sa bintana.
Syempre nakakahiya naman tumanggi edi sumandal ako.

Wala pa atang minuto nananaginip na ko eh.

my kidnapper's daughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon