Isang Huling Patawad

4.5K 131 3
                                    


Inay, Itay, patawad.

Patawad lamang ang aking maipapalit.

Sa lahat ng pagod at tyaga ninyo

Makapag-aral lamang ako.


Patawad lang ang aking masasabi.

At walang maibibigay na kapalit matapos ang lahat ng taon

Walang maihahandang pagkain sa lamesa.


Patawad lang ang aking maisasambit.

Habang tinitignan ang malawak na karagatan

Nagmumuni-muning nakaupo sa taas ng tulay.


Patawad lang ang aking maipapalit.

Sa lahat ng gabing puyat kayo

At sa lahat ng araw na kulang kayo sa pahinga.


Patawad lang ang aking masasabi.

Nasayang ang mahabang panahon

Para sa kagustuhan nating lahat na makapagtapos.


Patawad lang ang aking maisasambit.

Dahil sira na ang mga pangarap

At wala ng plano pa. Wala ng patutunguhan pa.


Inay, Itay, patawad. 

Kagaya ninyo'y tinatakwil ko na rin ang aking sarili

Dahil ako'y ubos na, pagod na, at wala ng kahit na ano pa.

Magkikita-kita na tayo. 

Itutula KoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon