An Open Letter - Taglish
Bree; 2017You don't have any idea how someone could be falling apart at that specific moment you chose to question his or her existence. Ano bang tingin niyo? Na madali pataasin ang self-esteem? Na madali palakasin ang resistensya? Na madali kalimutan ang mga negatibong sinasabi niyo at mga issue na ikinakalat niyo? Ano bang palagay niyo? Na dapat may "say" kayo sa kung paano dapat mamuhay ang isang tao (sa pananamit, sa gustong kainin, sa preferred music and movies, sa kursong nais kuhain, sa uri ng trabaho na gustong gampanan, atbp.)? Na dapat may "say" kayo sa kung sino lang ang maaaring magsikap sa buhay? Na dapat may "say" kayo kung sino lang yung karapat-dapat na maging masaya? Sa buong buhay mo ba sigurado ka? Sa lahat ng oras at sa lahat ng pagkakataon? Perpekto ka? Kung hindi at hindi at isang malaking hindi ang kasagutan mo (aminin mo na wala namang perpekto), bakit parang siguradong-sigurado ka sa pandidikta mo sa iba? Bakit patuloy mong inaasahan ang iba na umaktong perpekto gayong imposible ito? Lahat tayo nakagagawa ng mga pagkakamali, lahat tayo minsan (o baka'y madalas) sa buhay natin hindi talaga alam ang ginagawa, bakit hindi natin makita na may pagkakapare-pareha tayo? Pag nilagutan tayo ng hininga, sa hukay din ang punta.
Kung makapagmataas ang iba akala mo naman guguho ang mundo kung wala sila. Kung makapagmalinis ang iba akala mo naman hinding-hindi nakagawa ng kahit na anong kamalian. Kung makapintas sa iba akala mo naman ay yun na ang pinakamagandang gawain sa buhay, ang humusga.
BINABASA MO ANG
Itutula Ko
Poesíamga tula, hugot, at bukas na liham. · highest ranking #02 in Poetry - 07/05/17 //amazing cover made by: scrappily