An Open Letter
Bree; 2017Kalunos-lunos kang sobrang kung ikinaiinis mo ang pagiging produktibo ng iba. Kalunos-lunos kang sobra kung hindi mo matanggap na may mga bagay na maaaring hindi mo kaya o hindi mo gustong gawin tapos kinakaya ito ng iba o pinipilit kayanin. Kalunos-lunos kang sobra kung turo ka ng turo ng daliri mo sa ibang tao at sabi ng sabi kung anong tingin mo na dapat ginagawa nila sa buhay nila kasi buhay nila yun, sa palagay mo bakit hindi ka maka-usad sa'yo baka kasi masyado ka lang busy sa pamumuna sa buhay ng iba? Idadahilan pa na, "bakit tingin mo ba gusto ko kasing umusad?" Eh ano ngang dahilan bakit pilit mong sinisira ang araw ng iba? Inggit? Galit? Nakakaawa. Sobrang babaw mo kung ang tanging basehan ng mga patutsada mo ay, "impokrita ka kasi" dahil lahat naman ng tao, kahit isang beses, nagiging impokrito o impokrita talaga. Kaya nga tayo may kanya-kanyang karanasan, para matuto at kaya tayo may utak dahil ito ang gagamitin para i-proseso ang mga natutuhan natin. Ngunit bakit nga ba ganon? Tila ba sobrang dumi, kitid, at bias ng sa iba?
BINABASA MO ANG
Itutula Ko
Poetrymga tula, hugot, at bukas na liham. · highest ranking #02 in Poetry - 07/05/17 //amazing cover made by: scrappily