Isang Sulat (Para Sa Inyo #2)

306 5 1
                                    

Hindi niyo lang alam...
Nagsasawa na akong makinig. Madalas mali, minsan kahit tama ay hindi pa rin karapatdapat. Ngunit kailangang sumunod. Kailangang talikuran ang prinsipyo't paniniwala dahil kayo ang masusunod. Kailangang maniwala kahit hirap magtiwala.

Pero alam ko....
Na alam niyong ako ay litong-lito na. Pasaan ba? Bakit ba? Para saan ba? Ano ba? Siguro ay lahat naman tayo nagpapanggap na alam natin ang gagawin at sinasabi natin sa iba na ito ang dapat gawin kahit pa hindi rin natin mawari talaga. Lahat tayo umaasang maging maayos ang lahat, nangangarap na makapagpahinga ngunit hindi naman maaari. Napapagod ngunit kailangang huwag sumuko. Bakit? Bakit? Bakit?

Dahil.....
Sayang ang buhay, sayang ang pera, sayang ang oras, sayang, sayang, sayang. Hindi natin naiisip na sayang naman talaga ang buhay kung ito ay hindi masagana't masaya. Hindi lang pera ang katumbas ng maayos na pamumuhay. Hindi lang ang kadamihan sa kaibigan o tropa ang batayan ng isang masayang pamumuhay. Hindi porke kompleto ang pamilya ay perpekto ito. Hindi porke mahal ka ay hindi ka na sasaktan. Hindi porke gusto mo ay makakamit mo. Sayang...mas inuuna pa natin ang panghuhusga at panlalamang kaysa magbigay sa mga taong kinapospalad at unahin na ibahagi ang paglilingkod sa kapwa, siguro ngayo'y may kapayapaan.

Itutula KoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon