sana ngayong araw ng pasko
magisnan ang iyong mukha
kahit pa hindi ito gaanong maamo
kahit nga may mga muta pa sa iyong matasana ngayong araw ng pasko
ang mga yakap mo ay sana madama
sabik na sabik na ako sa pagmamahal mo
sasabihin ko rin na mahal na mahal kitasana ngayong araw ng pasko
kahit hindi magarbong damit ang suot ko
matuwa ka sa iaalay na regalo
sarili ko, simple man pero para sa'yosana ngayong araw ng pasko
mapasaya kita, yun ang dalangin ko
BINABASA MO ANG
Itutula Ko
Poesiamga tula, hugot, at bukas na liham. · highest ranking #02 in Poetry - 07/05/17 //amazing cover made by: scrappily