sasapit nanaman ang bagong araw
sumisilip-silip na ang araw
bakit liwanag ay hindi pa rin matanaw?-
paglabas ng bahay may kung anong dalangin
nararamdaman hampas ng hangin
kailan muling mabibiyayaan ng iyong pagtingin?-
lulubog na ang araw at magpapakita na ang buwan
sobrang sakit pa rin kahit hindi paniwalaan
tanong sa sarili'y bakit mo ako iniwan?-
ipipikit ang mga mata
pipigilan ang pagpatak ng luha
hihilingin sana'y wala munang iba, pwede ba?
![](https://img.wattpad.com/cover/73370793-288-k439408.jpg)
BINABASA MO ANG
Itutula Ko
Poetrymga tula, hugot, at bukas na liham. · highest ranking #02 in Poetry - 07/05/17 //amazing cover made by: scrappily