Pagmulat ng aking mga mata sa panibagong umaga,
Mukha mo ang nakikita.
Paano ba mabubura,
Ang mga alaalang natitira?Babangon nanaman at maghihilamos ng mukha.
Kukuha ng kape at tasa,
Titimplahan ng maigi at muling aasa,
Iinumin kahit pa medyo matapang ang lasa.Maliligo at mag-aayos ng sarili,
Lalabas at isasara ang pintuan ng walang pakundili.
Papasok sa opisina at
Magpapanggap na walang mali.Diretso sa lapag ng departamento pagkababa sa scooter,
Ngayo'y hinaharap nanaman ang monitor ng kompyuter.
Sinusuri ang bawat empleyado ng manager,
Siya nga pala kahit alam kong wala ka ng paki, ako'y naturingang best employer.Tapos na ang shift ko kaya uuwi na mula sa aking trabaho.
Ngayon ay nagluto ako ng adobo,
Naisin ka man makasabay sa hapunan ay malabo.
Nakakain na at bahagyang sa labas ng bintana ay tinititigan ang mga gamugamo.Nagsisipilyo na,
Hanggang ngayon sa tamang wisyo ay wala,
Makapagmumog na
Bago pa mamaga ang bunganga.Naayos ko na rin ang kama,
At sa pagtulog ako'y handa na.
Inaasam na ika'y hindi na mapanaginipan pa.
Paniguradong sa pagsikat ng araw ang lahat ay tapos na.Paano ba mabubura,
Ang mga alaalang natitira?
Sinabi mo sa akin nuo'y basta tapusin na.
Lumakad ka palayo at tuluyang lumisan na.Sinikap na unti-unti ay mawala na,
Ang mga alaalang natitira?
Nagpaparamdam man ay nagpanggap akong araw-araw may amnesia.
Sa panibagong araw, ikaw ay hindi ko na rin kilala.
BINABASA MO ANG
Itutula Ko
Puisimga tula, hugot, at bukas na liham. · highest ranking #02 in Poetry - 07/05/17 //amazing cover made by: scrappily