"Malaya ka na,"
Mga katagang huling narinig ko mula sa iyo.
Katagang hanggang ngayon ay hindi ko makalimutan
Kahit pa nung isang buwan nangyari ang bangungot ko.Alas'singo ng hapon sa tapat ng isang kainan sa Morayta,
Maayos ang lahat, maingay ang paligid at nakatingin ka lamang sa akin.
Akala ko naman ay may kung anong surpresa dahil isang linggo mo akong hindi kinausap at halatang iniiwasan.
Akala ko naman ay okay ang lahat.Sinabi mo na, "malaya ka na."
Ayun lamang at ika'y tumalikod na.
Wala akong nasabi. Wala akong nagawa.
Kaya siguro hanggang ngayon kahit gising ako,
Paulit-ulit na sumisiksik sa isip ko ang pangyayari
Na sa sobrang sakit at kinatakutan ko itong mangyari nuon ay naniniwala akong bangungot ito.Para bang araw-araw ay hindi natatapos.
Tila ba'y paulit-ulit ko naririnig ang mga salitang binigkas at paulit-ulit ko nakikita ang labing sana'y nahalikan ko manlang bago ka nagpaalam.Nagpaalam na wala manlang ibang pasabi, o paliwanag, walang kahit na ano miski paghingi ng tawad.
Pinalaya mo ako ngunit hindi ko hiniling na palayain mo ako.
Sa piling mo'y kailanman hindi ko ninais na mawalay, na mapahiwalay, at na lumaya.
BINABASA MO ANG
Itutula Ko
Poetrymga tula, hugot, at bukas na liham. · highest ranking #02 in Poetry - 07/05/17 //amazing cover made by: scrappily