An Open Letter - Taglish
Bree; 2017Ang iba dyan hindi naman alam bakit ka ba mataba o bakit ka tumaba. Hindi alam nung iba na ang isang tao kaya lumaki kasi nag-stre-stress eating at yun ang coping mechanism niya sa lahat ng pinagdadaanan niya. Hindi nila maintindihan na ang isang tao maaaring malaki yung mga buto kaya pag nasamahan ng medyo konti pang laman, talagang lolobo. Hindi nila maintindihan na ang isang tao maaaring hindi mabilis ang metabolism. Maraming dahilan, iba't-ibang rason. Kaya kung ano man ang sabihin nila, wala silang karapatan pero sasabihin at sasabihin pa rin nila, iisipin at iisipin pa rin nila. That's why you should not care and live for yourself. Buhay mo yan, hindi kanila.
Hanggang husga lang naman sila. Hanggang tingin. Don't you think that what's more important is not the outside but the inside? Who are you?
You're strong and I believe in you. I hope you believe in yourself too.
---comebacks for people who don't want to leave you alone:
"Hindi ako napabayaan sa kusina, ganon lang ako ka-nurture sa amin."
"Siguro nga mas maganda ka pero maganda rin naman ako at sapat na yun para sa akin."
"At least nakapagvitamins kaysa naman napag-iwanan."
"Kung hindi na ko kasya sa pintuan namin, ano naman sa'yo? At pwede naman akong magpapalit ng pintuan, hindi ako ang mag-aadjust para sa pinto at para sa'yo o ng kung sino man."If only I could erase all the painful memories you have for being overweight, I wouldn't. Those are experiences that should help you move forward. Siguro sobrang sakit talaga, madalas may na-bu-bully pa but think about it... yun at yun lang naman ang mababato sa'yo. Tingna mo yung mga nang-aapi sa'yo, ano bang meron sila? Ganda? Posture? Mas matinong tingnan na katawan? Aanhin mo yun kung pare-parehas naman tayong pupunta sa hukay? Aanhin mo yun kung pangit naman yung ugali mo? Aanhin mo lahat ng yun kung ang magiging habol naman ng iba sa'yo ay ang katawan mo na kahit anong iwas mo pwede pa ring masugatan, matuklapan ng balat, magasgasan, at anytime mabawasan o madagdagan ng balat?
You're not less of a person just because you're plus-sized. You're not less of a person because of what they say. You're not less of a person because of what and what you don't eat.
BINABASA MO ANG
Itutula Ko
Poetrymga tula, hugot, at bukas na liham. · highest ranking #02 in Poetry - 07/05/17 //amazing cover made by: scrappily