Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

Pasalamat Pa Rin Kahit May Mga Mawawala Pa

790 9 1
                                        

wala naman akong i-uusad
kung manghihinayang ako't magpapakalugmok
may mga bagay talagang hindi mananatili
pero may mga bagay naman din na mananatili
minsan perwisyo
minsan sakripisyo
gayunpaman kailangan matatag ako
minsan ako rin naman
kailangang lumisan o umiwas
gustong lumayo o umalis
nakakalungkot
nakakasagabal
pero parte ng buhay yun hindi ba
ang magkaroon
at ang mawalan
pasalamat na lang din
ano man ang mangyari
sino man ang manatili
ano man ang magtagal
pasalamat pa rin
ano man ang mangyari
sino man ang lumiban
ano man ang pansamantala lamang

Itutula KoMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon