An Open Letter
Bree; 2017Parang ang hirap atang tanggapin. Ang mahirap lalong humihirap tapos ang katapat lang ay ang sasabihin natin na, "magsumikap kasi kayo" o hindi kaya ay "itigil niyo na lang ang pagiging mahirap." Ang may kapangyarihan ay ganid at inaabuso ang pangsamantalang karangyaan, pipikit mata na lang ba't magpapanggap na ayos lang? Hanggang kailan ba't hanggang saan ang katakot-takot na kaharian?
Parang ang hirap atang tanggapin. Isang stigma ang tingin ng lahat; "nag-iinarte ka lang naman" o hindi kaya ay "hindi naman totoo yan." Kahit anong pangaral ay tila ba hindi napapakinggan at natututuhan. Ang iba naman ay, "ako rin ganyan" sabay pahayag at pagpaparinig. Hanggang kailan ba't hanggang saan ang kalunos-lunos na kababawan?
Parang ang hirap atang tanggapin. Ano ba ang magandang kinabukasan na tinuturo nuon sa bawat klase at libro ng kasaysayan? Ang mga buwis na naibubulsa. Ang mga pagsisikap na napupunta sa wala. Ang mga karapatang inaapakan lamang. Ang mga buhay na pinababayaan na lang.
BINABASA MO ANG
Itutula Ko
Poesíamga tula, hugot, at bukas na liham. · highest ranking #02 in Poetry - 07/05/17 //amazing cover made by: scrappily