Ang Hirap

5.1K 182 6
                                    




Ang hirap lumugar sa'yo.
Isang araw mainit,
Isang araw malamig.

Ang hirap lumugar sa'yo.
Kahapon gusto mo,
Ngayon ayaw mo.

Ang hirap lumugar sa'yo.
Minsan oo,
Minsan hindi.

Ang hirap lumugar sa'yo.
Madalas pwede,
Bukas ewan.

Ang hirap lumugar sa'yo.
Hinding-hindi tama,
Hinding-hindi sapat.

Ang hirap lumugar sa'yo.
Sabi mo sakto lang,
Yun pala sobra o kaya kulang.

Ang hirap lumugar sa'yo.
Sabi mo tama na,
Yun pala gusto mo pa.

Ang hirap lumugar sa'yo.
Sabi mo sige lang,
Yun pala walang ok.

Ang hirap lumugar sa'yo.
Hindi ko alam kung ano na ko sa'yo.
Hindi ko alam kung may lugar ba talaga ko sa'yo.

Itutula KoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon