sige lang at lumayo ka
kung ako rin ang nasa iyong posisyon
lalayo't lalayo ako
tila ba ang ilang milya ay hindi sapat
kahit pa ang daan-daang kilometrolumayo ka na
bago mo pa matuklasan
na may mga araw na hindi ko kayang
dalhin ang sarili ko
at ang gusto ko humilata na lang magdamaglumayo ka na
habang hindi mo pa nakikita
anong anyo ko kapag wala ako sa mood;
maligo, magtrabaho...mabuhay
utang na loob layo nalumayo ka na
bago ko pa ibigay ng buo ang sarili ko
kasi kung ako ang tatanungin
uubusin ko lahat ng pasensya sa'yo
ibubuhos ko lahat ng pagmamahal sa'yo
BINABASA MO ANG
Itutula Ko
Poetrymga tula, hugot, at bukas na liham. · highest ranking #02 in Poetry - 07/05/17 //amazing cover made by: scrappily