Nagtatapos na po ang librong 'to na puno ng koleksyon ng mga bukas na liham, sulat, at tula ngunit hindi lang ito ang mga gawa ko at posibleng hindi dito nagtatapos ang paggawa ko ng mga tula, sulat, at iba pa gamit ang lenggwaheng Filipino. May susunod pa po akong koleksyon at baka tula't mga maiikling kwento ang laman nito. Meron din po akong isang buong koleksyon na darating din sa susunod na taon (sa palagay ko ay mas magaganda ang laman nun at talaga namang tatagos sa damdamin), pinagplanuhan ko na ito ay magiging self-published pwedeng online o baka printed na kopya (siguro sa Amazon o Kindle) at kung sakaling gusto niyo, sabihan niyo lang ako at babalitaan ko kayo kung itutuloy sa ganong plano.Nais ko kayong pasalamatan sa pagbibigay oras upang basahin ang mga gawa ko. Maraming salamat din sa inyong boto at sa mga magaganda o positibong kumento na iniwan ninyo.
Kung nais niyo po akong suportahan pa, may ibang mga kwento't tula ako ang gamit naman lenggwaheng Ingled at kung gusto niyo silang mabasa, narito lamang din sila sa aking account.
- b r e e -
Salamat po ulit.
Maligayang Pasko at sabay-sabay nating harapin ang bagong taon na may masasayang puso at panibagong lakas!
BINABASA MO ANG
Itutula Ko
Poetrymga tula, hugot, at bukas na liham. · highest ranking #02 in Poetry - 07/05/17 //amazing cover made by: scrappily