Sa totoo lang....
Natatakot ako, sobra. Hindi siguro halata kasi pinipilit ko magmukhang matapang sa harap mo. Ngunit alam mo naman at nadidinig mo, bawat salitang sinasambit ko, "mahal na mahal kita." Yung pakikiusap na huwag kang umalis. Natatakot ako, sobra. Baka bukas pagdilat ng mga mata ko, hindi na kita makikita at bigla na lang sasabihin mo, "ayoko na." Natatakot ako, sobra. Alam ko kasing hindi ko kakayanin.Pero alam mo.....
Ang dami kong natutunan sa sarili ko at kung naging layunin mo ang patatagin ako, nagwagi ka naman dun ngunit kasabay nun ang sobrang pagkawasak ko. Ang dami ko ring mga tanong at pagsisisi, bakit ba ganito at bakit ba hindi ganyan? Salamat, ganito pala ang magtiwala sa isang bagay na pwedeng mawala. Ganito rin pala ang magpahalaga, masakit, nakakatakot pero susubukan ko pa rin.
BINABASA MO ANG
Itutula Ko
Poetrymga tula, hugot, at bukas na liham. · highest ranking #02 in Poetry - 07/05/17 //amazing cover made by: scrappily