Day Two - I

6.7K 199 4
                                    

Kring Kri-

Pinatay ko na agad iyon at dali- dali akong pumasok sa CR.

Matagal kong pinag isipan kung itutuloy ko pa yung deal. Pero nakapag pasya na ako. Itutuloy ko ito.

Putek na babae na iyon!

Napaka taray!

Tss hindi naman sana maganda!

At saan ka pa, tinawag akong rapist?!

"Tss kahit rapist ako di ko sya papansinin nuh!"

Naiiling na bumaba ako ng hagdan.

"Boss ang aga ah?" Tanong ng mga trabahador ko. Tinanguan ko lang ang mga ito at pumasok ako sa garahe.

Nilabas ko ang baby ko.

Kulay dilaw na kotse.

Kakaiba ito kasi personalize. Ako ang nag design. Ni- remodel ko.

Hinawakan ko ito. Matagal na ng huli ko itong ginamit. Ganun talaga ang ginagawa sa mga baby.. laging pinapatulog, but pag gising nila? hmmmmm it collects hearts..

"Boss saan ang punta?" Nakangiting tanong nila.

Nilalabas ko lang kasi ito kapag may importante akong lakad.

"Manliligaw." Nakangising sabi ko. Yeah that's the plan. Humanda kang babae ka. Walang makakatanggi sa charms ko.

"Totoo? Hahahaha si boss manliligaw!" Nagkatuwaan na ang mga trabahador ko.. at di ako natutuwa doon. Dahil walang nakakatuwa sa panliligaw sa dragon.

"Yeah yeah yeah.. Tawagan nyo na lang ako pag may problema ok?" Dinismiss ko na sila dahil suguradong tutuksuhin lang ako ng mga iyon na nagawa na nga nila and honestly muntik ng maging tatlo na lang ang trabahador ko.

Nilabas ko na pagkatapos ang kotse ko at nag drive na papunta sa bahay ng babae.

6:45 pa lang.

Nakangising nag park ako sa tapat ng bahay nito.

Naka short lang ako. Then sandong black. Kitang kita yung braso ko na may muscle. Hindi naman iyon pangit tignan. Nakadagdag pa nga sa pagiging astigin ko.

Binaba ko ang salamin ng kotse at dumungaw doon. Nakapalumbaba lang ako at nakatingin sa gate ng bahay nung babae.

May nag dadaan na lalaking naka bike. Mukhang teenager.. siguro 17 or 18 years old.

Napatitig ito sa akin. Natulala. Nginitian ko ito. Napangiti din ito bago tila nahihibang na tinaas pa yung kanan nyang kamay at nagbigay ng isang awkward na wave.

Then biglang-

Shit!

Blag!!

Binaba ko pa ang ray ban na sunglasses ko to see it clearly.

Nabangga yung lalaki sa poste. Kakamot kamot ng ulo itong lumingon sakin.

"Okay lang ako miss ganda!" Sigaw pa nito. Tinanguan ko lang sya. Kumaway kaway pa ito bago iiling iling na nag bisekleta na palayo.

Nangiti na lang ako.

I still got it. The charms hehe.

Binalik ko na ulit ang atensyon ko sa bahay. Baka makalagpas o takasan ako nung babae. Pero yung pangalawa ang may pinakamalaking chance na mangyari dahil ni hindi na nga ako kumukurap sa pagtitig ko sa gate na yun.

"-sigurado ka ba?.. pwede namang huwag ka na lang pumasok ngayon.. kakausapin ko na lang ang mga teacher mo."

Bumaba na ako sa kotse ng makita syang bahagyang iika ikang lumabas ng bahay nila, may kasama syang matandang babae. Lumapit ako sa gate nila.

Seven DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon