4 Years Later

7.9K 178 3
                                    


"Hoy panget! May importante kang lakad ngayon! Hoy panget! May importante kang lakad ngayon!. Hoy pan-"

Arrrrrrrrrgggggg

Pinatay ko na agad yung notification ng calendar sa cellphone ko.

Ano bang importanteng lakad?

Binuksan ko ang cellphone ko para makita kung anong meron sa araw na ito.

Dude Isaac's Birthday.

Nanlaki ang mga mata ko!

Langyang yan!

Dali- dali akong bumangon at nagbihis.

Nyemas naman oh.

Tinignan ko yung relo ko. 6:47

Takte!!

Sino ba kasi yung gagong nagpa uso nito?!! Sarap pektusan!!

Nagdrive agad ako papunta sa 7/11. Traffic pa ang putek na yan!!

Shitness!! Dapat pala yung motor yung dinala ko!!

Pagka park ko ay dali dali agad akong tumakbo.

Blag!!

"Ay sorry" Sabi ko dito.

"Hindi ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo" Sabi ng lalaki sakin bago ito umalis. Umirap pa nga eh.

Tsk!

"Hindi tumitingin sa dinadaanan?, Eh nakita mo na palang hindi ako tumitingin eh, sana ikaw na yung umiwas!" Umiiling na pumasok ako sa loob.

"Whahahahaha"

"Paano ba yan!"

"Late na naman"

"Hahahahahaha"

Tawanan ng mga abnoy kong tropa. 11 sila.

"Tsk! Edi wow" Sabi ko na lang bago ako naupo.

"Paano ba yan, ako ang may birthday ngayon?". Nakangising sabi ni Isaac.

"Tsk! Oo na oo na. Sabihin mo na kung anong kailangan mo. Dali na ng matapos na to't may pupuntahan pa ako" Ngumisi naman sya. Ang sarap lamukusin ng mukha niya, promise.

"Teka lang, birthday ko nga diba?" Tila nanalo pero hindi naman tumaya sa lotto na sabi nya. Ganun sya kaadik at kasaya. Gunggong!

"Tsk! May lakad pa nga ako, punyeta!". Naiinis na ako eh. Dapat masaya ako ngayon eh, panira talaga.

"Tsk!"

"Ano na?! Bagal!"

"Lahat ng sasabihin ko sayo sa loob ng limang oras, susundin mo. As in lahat" Sabi nito. Takte!! Halatang pinag isipan nya yun. Pinagplanuhan.. Tss ngayon mo na nga lang ipapakitang may utak ka sa ganitong sitwasyon at talagang sakin mo pa napili? We're best friend you traitor!

"Whahahahahaha"

"Pasayawin mo"

"Pakantahin mo na lang"

"Twerk it like miley"

"Worth it"

"Bwahaha oo lahat yan, wag kayong mag alala"

"Nyemas! Pepektusan ko kayong mga ungas kayo!" Awat ko sa kanila. Para silang nanunuod ng sabong ng manok. Samantalang mga professional na yung mga yan.. Hindi pa din sila nagbabago pagdating sa tropa.. Magulo pa din, maloko, maingay.. Stress reliever daw nila ang tropa. Sakin? Stress deliver. Yung kapag kasama ko sila naiisip ko na walang kwenta yung isang buwan kong problema sa buhay kumpara sa pagstay ng isang oras sa isang kwarto kasama sila. Eye opener kumbaga.

Seven DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon