Day Six - I

5.3K 149 2
                                    


Nagising ako na maayos na ang pakiramdam ko. Bumangon ako pero tulog pa si Maxine. Alas 3 pa lang ng umaga. Kumalam ang sikmura ko kaya bumaba ako.

Hindi naman siguro sila magagalit kung kakain ako. Nagbukas ako sa may ref nila. May nakita akong Menudo sa container doon. Actually hindi ko alam kong menudo nga ba ang tawag dito. Hindi kasi ako mahilig magluto. Taga kain lang ako. Hmmm mechado yata tawag dito. Baka afritada? Kaldereta?. Hayzz ewan. Kinuha ko iyon at tumingin ng kanin. Meron pa naman, ininit ko na lang iyon syaka ako nag simulang kumain.

"Gising ka na pala" Napatalon ako doon. Lumingon ako at yung nanay pala ni France. Lola? Hmm Nanay na lang dahil deserve naman nya yun. Napahawak ako sa puso ko. Nakahinga ng maluwag. Ang alam ko kasi, tuwing alas tres ng umaga lumalabas ang mga multo.

"Ay opo.. pasensya na po at naki elam ako sa mga pagkain nyo dito" Turo ko sa kinakain ko. Tumango lang naman ito at sinabing ipag patuloy ko daw. Umupo ulit ako at nag simulang kumain. Pumunta naman ito sa ref para kumuha ng malamig na tubig.

Akala ko ay matutulog ulit ito ngunit naupo lang ito sa katapat na bangko. Nakangiting tumingin ito sakin. Nahihiyang ngumiti din ako.

"Ok na ba kayo?" Tanong nya.

Kung alam nyo lang po.

Mas ok pa kami sa salitang ok.

Hahahaha ngumiti lang ako dito syaka tumango.

"Uhmmmmmm mabuti.. ah.. Uhmm Ashley?.."

Bigla akong kinabahan.

"Bakit po?" Ayaw kong malaman kung ano ang gusto nitong sabihin pero may nagtutulak sa akin na kailangan ko iyong malaman.

"Hindi ko naman sinasadya.. pero narinig ko kasi kayo kagabi.. May.., may relasyon ba kayo?"

Sabi na nga ba eh!!.

"Ah hehehe " Kabadong tawa ko at napahawak na ako sa batok ko. Ewan ko ba pero nakagawian ko na iyon kapag kinakabahan ako.

"Hindi naman ako makiki elam. Gusto ko lang malaman" Pangungumbinsi pa nya.

And I know I can say no but I want to say yes. I will say yes. Kahit sinong mag tanong sakin I'll say yes. Not because it's the truth but because I'm happy that I can say yes and it's the truth. We are in a relationship and it's the truth. She's my girlfriend and it's the truth. It's the truth and I'm more than happy to say that.

"Opo"

Katahimikan.

"K-kahapon lang po."

Nakakabinging katahimikan.

Napayuko na ako.

Tila movie naman na nag play sa utak ko kung anong pwedeng gawin nya. Kahit na sinabi nyang di sya makiki elam. I know na hindi normal yung ganito.. at maiintindihan ko naman sya kung sakali. Masyadong mabilis yung kung ano mang namamagitan sa amin ni Maxine. Hindi din nakaligtas sa paningin ko na hindi emotionally stable si Maxine.. wala naman syang sayad sa utak.. medyo hindi lang nya gusto yung idea na iwanan sya ng mga tao sa paligid nya.. infact I think sa tingin nya iiwanan sya lagi ng mga tao sa paligid nya.. ng mga taong mahal nya, and I'm part of that now.

Yung pagiging mataray nya na yun.. that's her shield. Para walang lumapit sa kanya.. para hindi sya ma attached sa kanila and someday iwanan lang din sya. It makes sense now.. she just don't want that to happen again, people leaving her. So she's pushing them away before they had the chance to leave her.

At hindi na nakakapagtaka kung alam din iyon ng nanay nya. Higit kanino man, sya ang nakaka alam.

At higit kanino man, maiintindihan ko kung pro-protektahan nya si Maxine mula kanino man.. maging sa akin.

Seven DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon