9:12 pa lang ng makarating ako kila France.
Masyado akong napa aga.
Baka akalain nya na excited akong makita sya.
Aalis na sana ako at babalik na lang mamayang 10 ng biglang lumabas yung nanay ni France para mag tapon ng basura. Lumapit ito sa kotse ko kaya bumaba na din ako.
"Good Morning po." Magalang na bati ko dito.
"Magandang umaga din.." Tinignan ako nito na parang nag tatanong kung anong ginagawa ko dito.
Oo napaaga ako, pero tama naman na andito ako ngayon ah?
"Ay hindi po ba nasabi ni France? Aalis po kasi kami.. Pasensya na po at hindi ko naipag paalam sa inyo."
"Ay ganoon ba? Wala namang nababanggit si France sakin."
"Pooooo?" Langyang yun. "Sinabi ko po sa kanya kagabi" Oo makakalimutin ako pero hindi ako nag ha-hallucinate. Totoong nag usap kami kagabi, hindi iyon panaginip.
"Sa totoo nyan, natutulog pa nga yung bata na iyon. Napuyat kanonood ng TV kagabi, alas dos na ng natulog."
Putek na yan! Seryoso?!
Sabagay hindi naman sya pumayag kagabi..
Pero hindi din naman sya tumanggi!
Umalis ka kaya agad kaya paano makakasagot sayo yung tao?
Langya.. Oo na lang! Peste!
"Ay ganoon po ba?.. Sige hayaan nyo na lang po." Aalis na sana ako ng bigla ako nitong hawakan.
"Bakit po?"
"Eh saan ba kayo pupunta?"
"Sa Bulacan po."
"Ay medyo malayo pala.. Ano bang gagawin nyo doon kung saka- sakali?"
"Birthday po kasi ng kapatid ko" Tumango tango ito.
"Sige.. pumasok ka muna sa loob" Nakangiting sumama ako dito. Syempre haha. Ok lang naman na hindi ko maisama si France pero mas mainam na maisama ko sya haha.
Pinaupo ako nito sa sofa nila at inabot sakin yung remote. Umakyat na ito para gisingin daw si France. Gigising kaya yun?
Nanunuod ako ng makita kong pababa na si France. Hawak hawak sya ng Nanay nya sa kamay nya samantalang nakapikit pa sya. Nananaginip pa nga yata dahil nagsasalita sya na parang may kaaway.
Inalalayan sya ng Nanay nya paupo sa sofa. Ni hindi man lang ito nag effort para buksan ang mga mata nya at agad agad na sumandal sa sofa pagkatapos bitawan ng Nanay nya.
Pffftttt
Gulo gulo ang buhok nya at mukhang hindi pa nag hihilamos.
"Oh iwanan ko na kayo dyan ah" Sabi ng Nanay nya bago ito umalis.
Walang reaction si France. Nasa dreamland pa yata.
"Pfffftttt hahahaha" Tawa ko na dito. Hindi ko na napigilan eh.
"Anong tinatawa tawa mo dyan?" Singhal nya sakin. Gusto kong pumalakpak sa tuwa dahil dinilat naman nya yung isa nyang mata.
Tinuro ko ang mukha niya. Inis na hinampas naman niya ang kamay ko.
"Malamang! Bagong gising eh! Bwisit!" Tumayo ito at inirapan pa ako bago lu-lugo lugong bumalik sa taas.
Gusto ko syang sundan pero nahihiya ako sa Nanay nya. Kaya pinuntahan ko muna ito sa may kusina.
BINABASA MO ANG
Seven Days
Teen FictionIsang pustahan lang naman ang pinagmulan. Dapat maging sila ng pampitong papasok sa loob ng 7/11 sa loob ng pitong araw. Isip bata kung titignan. Pero paano kung dahil sa pustahan na iyon ay makilala nya ang taong mamahalin nya hindi ng pitong araw...