Day Seven - III

5.8K 165 1
                                    


Putek!!

Ang dilim.

"Nasaan ka A-ash?"

Nag dere- deretso ako at ayun nabangga ako.

Arrrrrrrrrrgggg

Bakit ang palpak ng araw na ito?.

"Ash ikaw ba yan?" Parang iiyak na ito.

Nag dere deretso pa din ako and ayun, nakita ko na yung gitara ko. Hindi ako marunong mag gitara, nag paturo lang ako kay Isaac. Yun lang ang mapapakinabangan na talent na meron ito. Nakakagulat nga na may talent pala yun.

Nag strum ako.

"A-ash.. i-ikaw ba yan?, lumabas ka na please.. Natatakot na ako".

Nag strum ulit ako.

"Heart beats fast , Colors and promises" Natahimik ito sa pag iyak.

"How to be brave? How can I love when I'm afraid to fall?" Unti - unti ng sumisindi ang mga ilaw sa paligid. Napangiti ako sa nakikita kong itsura nun.. Hindi lang pala paggigitara ang talent ni gunggong.

"But watching you stand alone, All of my doubt suddenly goes away somehow."

"One step closer" Umilaw na dito sa side ko kaya na kita na ako ni Maxine. Yung kanan nyang kamay at nakatakip sa bibig nya.. and she's crying.

"I have died every day waiting for you. Darling, don't be afraid I have loved you for a thousand years I'll love you for a thousand more"

Pangako.

"Time stands still, Beauty in all she is, I will be brave, I will not let anything take away what's standing in front of me".

Pangako.

"Every breath, every hour has come to this". Naiiyak na kanta ko. Siguro nga lahat ng kalokohan ko, yung pustahan na iyon. Lahat iyon para makilala ko sya. Siguro pinanganak ako para sa kanya. Para makilala sya.. para mahalin sya. Lahat ng iyon para mapunta kami sa sitwasyon namin ngayon. Sya at ako. Kami.

"One step closer" Lumapit sya sakin. With a playful glint in her eyes. I love that. I love her.

"I have died every day waiting for you. Darling, don't be afraid I have loved you for a thousand years I'll love you for a thousand more" May pumatak na luha sa pisngi ko. Hindi ako makapaniwala na mag mamahal ako. Hindi na mahalaga na sa kapwa ko babae. Basta nagmahal ako. Yun naman ang mahalaga. Ilang pinagpalang nilalang ba ang nakakaranas ng nararamdaman ko ngayon? Konti lang. I'm blessed, I know.

"And all along I believed I would find you, time has brought your heart to me I have loved you for a thousand years I'll love you for a thousand more" Siguro nga. Kaya hindi pa ako nagmahal before kahit na may mga gusto ako, dahil ito talaga ang nakatadhana sakin. Sya at ako. Kami.

"One step closer" Humakbang ulit sya.

"One step closer" Nakangiting humakbang ulit ito.

Gusto kong tumawa pero amused na tinaasan ko lang into ng kilay. She's doing that on purpose. What a cute little thing..

Ngayon ay nasa harap ko na sya. Nakatingin ako sa mga mata nya. Nakatingin din sya sakin.

"I have died every day waiting for you. Darling don't be afraid I have loved you For a thousand years I'll love you for a thousand more" Mukha kaming mga tanga. Nakangiti kami pareho ngunit may mga luha sa mukha. Pero masaya ako. Siguradong masaya din sya.

Seven DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon