Prologue

13.6K 256 3
                                    

"Leave a message after the beep. Beep! Beep!. Good Morning anak.. hmmmm Anak.. Kamusta ka na?... " Napatingin ako sa telephone ko.

Bumangon ako at nag tupi tupi ng pinaghigaan ko.

Narining kong nagbuntong hininga muna si Mommy sa kabilang linya bago sya nag tuloy.

"Miss na miss na kita. Bakit kasi ayaw mong dito na lang mag aral? Andito naman ang kapatid mo at miss na miss ka na din nya.. Nakakakain ka ba ng matino dyan?.. Kulang ba ang pera mo?.. magsabi ka lang anak.. ah.. sige.. ibababa ko na.. I love you anak .. bye.. beep! beep!"..

Hayzz.

Nag dere - deretso na ako sa Cr dito sa kwarto ko para maligo. Alas syete na ng matapos akong magbihis. Pababa na sana ng matigilan sa tunog ng cellphone ko.

Babe 😍 calling..

Napabuntong hininga ako. Hindi ako yung naglagay ng contact name nyang iyon.

"Hello" Sagot ko.

"Babe!.. Andito na ako. Hintayin kita ah. Love you. Bye"

Toot

Toot

Toot

Inis na tinignan ko yung cellphone ko. Hindi man lang ako hinayaang magsalita? Bwisit!

Bakit ko nga pala naging boyfriend ito?

Ahhhh kasi sabi ng mga kaibigan ko.

Sila lang naman ang may gusto kay Richard dahil sikat ito sa school namin at ng malaman nila yung tungkol sa panliligaw ni Richard, ayun pati mga kaibigan ko kinukulit na din ako. Pinagbigyan ko na lang dahil sa totoo lang baka mabaliw na ako pag di pa sila tumigil. Kahit nga pagtalon sa bangin ay magandang idea ng mga sandaling iyon.

Dali- daling bumaba na ako at naabutan ko sa baba si Nay Sally. 65 years old na ito. Parang nanay ko na. Ito lang ang kasama ko sa bahay. Wala kasi itong asawa't anak. May mga kamag anak naman ito pero ayaw na ako nitong iwan dahil mag isa na lang ako. Mahal na mahal ko ito at mahal din ako nito.

Ito ang nag alaga kay Daddy ng bata pa sya. Kaya simula ng magkaisip ako ay ito na ang kasama ko.

Yumakap muna ako dito at kumiss sa cheeks nya. Nagulat pa nga ito pero ngumiti din ng makita ako.

"Oh nag luto ako ng paborito mo" Sabi nito. Nag pout ako.

"Sabay daw kami ni Richard" Napa irap ito. Ayaw kasi nito kay Richard dahil hindi daw katiwa- tiwala ang tabas ng mukha. Hindi naman sya nag iisa sa paniniwala nyang iyon.

"France.." Manenermon na naman sana ito ng unahan ko itong magsalita.

"Saglit lang yun dahil may klase pa ako Nay".

"Ikaw talagang bata ka.. sige na nga. Uwi maaga ah!" Nag dere- deretso na ako sa labas. Wala akong kotse. Bibilan sana ako ni Mommy pero ayoko dahil pag nangyari yun , kakailanganin ko din ng driver.. at ayoko nun.

Bumaba na ako sa jeep ng malapit na ako sa 7/11. Medyo traffic kanina kaya medyo natagalan ako. Tinignan ko yung relo ko. 7:35 na.

8:00 naman ang start ng klase ko pero nakakainis lang na kailangan pang dumaan dito. Katapat lang naman ito ng school namin pero hassle lang na sa halip na mag dere- deretso ay may kung ano pang seremonyas yung lalaki na iyon. Ang arte.

May mga dala pa akong folder at mga assignments ko. Bad idea talaga ito.

Papasok na sana ako ng may bumunggo sakin. Oh my God!! Nagsilipadan yung mga papel na hawak ko. Tinignan ko yung bumunggo sakin pero nag tuloy tuloy lang yung babae na iyon. Ni hindi man lang nag sorry!

"Hoy! Bwisit ka!" Sigaw ko dito. Ni hindi man lang ito natinag at nag dere-deretso na sa loob.

Ang malas ng araw na ito.

May mga taong nag sisipasukan kaya't natapak tapakan pa yung project at assignment ko na deadline na ngayon. Mangiyak ngiyak na pinulot ko yung isang page na natapakan. Bakat na bakat yung 'nike' na dumi dito. Baon na baon pa hanggang sa kabilang side.

Tumigin ako sa paligid. Nagkalat ang mga papel ko. Napapikit na lang ako sa inis.

Wala man lang gustong tumulong?!

Inis na inis na pinag pupulot ko iyon. Pwede pa sigurong ipass ito. Hinanap ko pa yung ilang nilipad ng hangin na mga papel. Binilang ko kung may kulang pagkatapos.

Oh thank God! Kompleto naman.

Papasok na sana ako ng bigla akong unahan ng isang lalaki.

Napa irap na pumasok na lang ako. Gwapo sana, ungentleman naman. Katumbas yun ng isang libong iphones pero wala namang kuryente at wifi.

"Woooooohoooo"

Napatingin ako sa grupo na iyon.

Nasa pampublikong lugar kaya sila. Hindi ba sila pwedeng magsalita ng tahimik? Kailangan talagang sumigaw?

Agad din akong lumapit kay Richard ng matanaw ko ito.

Nagreklamo pa sya na kanina pa daw sya andito. Kailangan ba kasing laging sabay papasok? Kailangan bang laging magkasama? Pati pag kain nya damay pa ako..

Tss napaka arte..

Daldal ito ng daldal hanggang makarating kami sa school.

Ang aga aga sira na agad ang araw ko.

Ang bilis bilis pang maglakad ni Richard at hila hila ako nito.

"Please. Dahan dahan lang baka madapa a-"

At nangyari na nga.

Arrrrrrrrrrgggg

Worst day ever!

--------------------------------

Seven DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon