Kring kring kring..Hmmmmmmmm
Kring kring kring..
Arrrrrrgggg
Kring kring kring..
Putek na yan!!
Kring kr-
"Arrrrrrggg" Ang sakit ng ulo ko. Bumungad pag mulat ng mga mata ko yung mga poster ko. At yung mga mamahalin kong toy collection.
Babangon na sana ako ng may marinig akong ungol.
"Maxine?"
Pero nagulat ako ng makitang si Tanya iyon. At ang mas nakakagulat ay nakabra lang ito. Tinignan ko ang sarili ko. Wala namang bago. Nakadamit pa din ako. Walang ibang masakit kundi ang ulo ko.
Tatayo na sana ako ng magsalita ito.
"Ashley.."
Pinagmasdan ko ito saglit bago ako bumangon. Wala akong maalala sa kung ano mang nangyari kagabi. Basta ang alam ko lang ay napa alis namin si Mr. Neal at nag inuman kami. Hanggang doon lang.
Nagsisipilyo na ako ng may maalala ako.
"Shit!!!" Lunes na ngayon.
Dali- Daling nagbihis ako.
Putek na yan.
7:45 na.
Takte!!
Dere- deretso ako sa baba. Kinuha ko agad yung kotse ko at pina andar ng napaka bilis papunta kila Maxine.
15 mins kasi ang byahe papunta dito. Late na ito!!.
Pumipintig pintig pa ang ulo ko. Yung mga mata ko gusto pang matulog. Nakarating ako sa loob lang ng 10 mins.
Bumaba ako agad.
"Maxine!.. Maxine!" Lumabas doon yung nanay ni France.
"Ay wala na sya. Nag jeep na lang dahil ma le- late na daw sya." Malungkot na tumango naman ako.
"Bakit tinanghali ka? Mukha ka pang hindi natulog kagabi".
"Ah eh.. nagkatuwaan lang po kami ng tropa. Napa inom po. Pasensya na po at hindi ko sya naihatid" Tumango tango naman ito.
"Ay ok lang yun.. sunduin mo na lang sya mamaya"
Tumango naman ako.
"Sige ah.. papasok na ako sa loob. Masama kasi ang pakiramdam ko" Paalam nito.
Doon ko napansin na hindi nga maayos ang itsura nito. Parang may sakit sya.
"Sige po pumasok na kayo. Magpahinga po kayo"
Tango lang ang sinagot nito.
Malungkot na sumakay ako sa kotse ko. Napakasama ko namang girlfriend.
Umuwi na ako sa bahay.
"Oh boss.. malungkot yata kayo?"
"Wala.. ok lang ako".
Pumasok ako ng bahay. Tulog pa sila. Hayzz yung cellphone ko nga pala?..
Hmmmm parang natatandaan ko na binigay ko sa isa kong tropa yun.
Hinanap ko. Sa mga bulsa nila. Kinapa kapa ko iyon. Wala namang malisya.
Hayzzz putek na yan..
Wala sa kanila.
BINABASA MO ANG
Seven Days
Teen FictionIsang pustahan lang naman ang pinagmulan. Dapat maging sila ng pampitong papasok sa loob ng 7/11 sa loob ng pitong araw. Isip bata kung titignan. Pero paano kung dahil sa pustahan na iyon ay makilala nya ang taong mamahalin nya hindi ng pitong araw...