Ganoon pa din ang ekspresyon ng mukha nya. Kaya hula ko ay narinig nya kaming nag uusap tungkol sa kanya ng nanay nya kanina.Patay na ako talaga.
Dumukwang ako sa back seat para abutin yung bulaklak na binili ko.
"Flowers for you" Peace offering ko sa kanya, with genuine apologetic face pa. Kapit sa patalim yata ang tawag sa ginagawa ko ngayon.
Umusok yung ilong ng dragon.
"Tsk! Ayoko nyan!" Singhal pa nya.
Medyo nagulat ako pero understandable naman yung outburst nya. Pinag chi-chismisan namin sya kanina eh.
Napabuntong hininga ako.
"Sorry.. nagkwento lang-"
"Wag ka ng mag explain. Mag drive ka na lang." Mukhang na badtrip na talaga ito.
Hinagis ko yung bulaklak sa likod.
Hayzz.
Edi mag drive.
So nag drive na ako.
"Nakapunta ka na ba sa Bulacan?" Pilit kong kinukumbinsi yung sarili ko na ok lang syang kausapin. Nag dri-drive pa din naman ako eh. Diba? Diba? Ang hindi sumang ayon, babarilin ko.
"Tsk! Pakialam mo!" Sigaw nitong ni hindi man lang lumingon sa akin.
Yikes. Nagtransform na talaga. Dragon na ulit sya.
Nag focus na lang ako sa kalsada kaya lang pamaya-maya'y naipit naman kami sa traffic.
Titingin sa kalsada. Tapos kay France. Sa kalsada ulit. Tapos kay France. Sa kalsada ulit. Tapos kay France.
Pagkalipas ng ilang sandali ay-
"Pwede bang tumigil ka? Ipirmis mo yung mga mata mo sa kalsada tsk.."
Sinunuod ko sya. Umandar na din pamaya maya yung mga sasakyan sa harap. Kalahating oras ang lumipas at walang nagsasalita sa amin. Nakatingin sya sa labas ng bintana nakatulala doon.
Ayoko yung nangyayari sa totoo lang. Andito nga sya pero parang ayaw naman nya. Ganito ba to pag sagad na sa pagkabadtrip?
"France?.."
I just want to lighten the mood.
"Anong year ka na ba?"
Wrong move.
"Pwede bang wag kang magsalita?!"
Yeah just like that!
Nice talking to you.
Nag focus na ulit ako sa pagmamaneho. Medyo salubong ang magkabilang kilay. Nakakabored kaya. May kasama ka pang dragon na naglilihi tss.
Binuksan ko yung radyo. Pampagood vibes. Kailangan na kailangan ko yun.
Happy ..
'Coz I'm happy clap along
if you feel like a room
wihout a roof'
Hmmmmmm OK. Nakakagood vibes. Napapa indayog na ako kaya sinabayan ko na din yung kanta. Inaaliw ang sarili is the term.
"Coz I'm happy clap along if you know what happines-"
"Ano ba?!! Nang aasar ka ba talaga??!!!" Sigaw ni France.
BINABASA MO ANG
Seven Days
Teen FictionIsang pustahan lang naman ang pinagmulan. Dapat maging sila ng pampitong papasok sa loob ng 7/11 sa loob ng pitong araw. Isip bata kung titignan. Pero paano kung dahil sa pustahan na iyon ay makilala nya ang taong mamahalin nya hindi ng pitong araw...