End

6.3K 162 2
                                    

Himbing na himbing ang pagtulog ko ng namalayan ko na wala na pala akong katabi sa kama. Pupunas punas ako ng mga mata na bumangon. Kinuha ko ang cellphone ko para tignan kung anong oras na.

5:34 am

Nilapag ko din agad iyon at hinanap ko si Maxine. Wala dito sa kwarto. Pumasok muna ako sa Cr at naghilamos.

Paglabas ko ay naka ayos na ako.

"Maxine?!" Tawag ko dito pero wala.

Tumingin tingin ako sa paligid. Hayzz nasaan yun?

Lumabas na ako ng room namin.

"Hey!" Lumingon naman yung tinawag ko.

"Yes, Miss Walker?" Tanong nito.

"Napansin mo ba yung kasama ko kagabi?"

"Yung naka uniform po ba ng melchor?" Melchor High School. Yun yung school ni Maxine. Tumango tango naman ako.

"Ay opo. Umalis na po. Umiiyak nga po eh." Nanlaki mata ko dun.

"Umiiyak? Umalis? Bakit hindi mo pinigilan?" Hawak ko sa kuwelyo nito.

"Ok lang naman daw po sya." Sabi nito.

"Gago ka ba?!! May ok bang umiiyak?! Tangna!" Napahawak na ako ng mahigpit sa kuwelyo nya. Bobo eh punyeta!

"M-miss W-walker.. h-hindi po ako m-makahinga"

"Kung sabihin kong ok ka lang din ha?!"

Binitiwan ko na ito at agad agad akong bumalik sa kwarto namin. Kinuha ko yung mga gamit ko at agad agad na ding umalis.

Pina andar ko ng mabilis ang kotse ko.

Alas sais pa lang naman. Siguradong nasa bahay pa ito. Pagkadating na pagdating ko ay bumaba agad ako.

"Maxine!! Maxine!!" Tawag ko dito.

"Nay sally!! Nay Sally!!" Wala pa din. Ilang minuto akong sigaw ng sigaw doon. Aakyat na sana ako ng bakod nila dahil mababa lang naman iyon ng may biglang nag salita sa likod ko.

"Hinahanap mo ba yung mga tao dyan?."

Ay hindi ay hindi! Akyat bahay ako! Kaya nga sumisigaw ako dito ng pangalan ng mga tao sa loob eh at kaya umaakyat ako ng alas sais ng umaga kasi akyat bahay ako!!

Bobo. Punyeta!

Bakit nagkalat ang mga bobo sa paligid?

Tumango na lang ako dahil kailangan ko ng impormasyon.

"Umalis.. Ang alam ko may sinugod sa hospital. Nagkakagulo kasi kaninang madaling araw dyan."

"H-hospital?" Nanlalaking matang tanong ko. May mga pumatak na ding luha sa mata ko.

Sino?!

Si Maxine?

Si Nay Sally?

Kahit sino man sa kanila di yun magandang balita.

"Oo. May ambulansyang huminto dyan. Mga Alas tres yun. Nagising nga kami dito eh"

"A-alam mo ba kung saang h-hospital?". Humihikbing tanong ko na.

"St. Agustine yata. Ay oo dun nga" Tumatangong sabi nito. Dali dali akong sumakay sa kotse ko.

"Please sana po ok lang si Maxine." Paulit ulit na sabi ko. Pagdating ko sa Hospital ay nagtanong agad ako.

Seven DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon