"Hello Ashley Walker's shop.. What can I-""Hello.. Si Ash 'to" Sabi ko.
"Boss?.. hello boss.. may problema po ba?"
"Ahh wala naman. Okay lang ba ang talyer?"
"Ah opo boss pero may nag hahanap po sa inyo. Trisha daw po yung panga- Hindi trisha, trixie- Ay trixie po pala" Tinama pa ito ng isang boses sa kabilang linya.
"Ano daw kailangan?"
"Kayo daw po. Hinahanap po kayo eh.. girlfriend nyo daw po sya bos-"
"What???!!!"
"Girlfrie-"
"Siraulo ba yan?!! Nyeta wag nyong papapasukin yan sa talyer. Sabihin mo yun kila Danny.! Baliw yan!"
"Ah eh sige po boss.. May sasabihin-"
"Wala na.. sige bye.."
Napabuga ako ng hangin. Sino ba yung trixie na yun? parang pamilyar.
Syaka na nga iyon. Itong deal muna ang aayusin ko. Luminga linga pa ako. Andito ako ngayon sa tapat ng dati kong school. Oo, high school pa pala yung babaeng iyon. Mukha itong college na.
Papasok sana ako pero ng makita ako ng security guard ay hinarang ako.
"Kuya Gary oh" Sumbong ko sa lalaking humarang sakin sa pinaka head guard na nakaupo sa guard house.
"Ay wag mong papasukin yan" Sabi nito sa kasamahan.
"Kuya Gary naman" Pacute ko dito.
"Bantayan mo yang mabuti. Gulo yang bata na yan"
"Hindi mo ba ako namiss?"
"Ay hindi! Kaya umalis kana"
"Si Kuya Gary naman oh. Tagal tagal na nun eh. Kitams mahaba naman na ulit ah".
Hinawakan pa nito ang buhok nya at parang inalala yung pangyayari na iyon bago tumingin sakin na inis na inis.
Napagtripan kasi ng tropa dati yun kasi mahaba. Nag po-pony tail pa nga ito.
Kaya ayun. One time na natutulog ito. Ginupit namin iyon. Hindi nga lang pantay pantay, kasi labing isang iba't ibang kamay ang gumupit doon kaya kinailangan ni kuya Gary na ipakalbo para maging maganda sa paningin ng mga tao.
"Sige na. May dadalawin lang ako".
Umiling iling ito at pumasok na sa guard house.
Ayzz sa halip na nasa office ako andito ako ngayon at mukhang tanga.
Ano ba kasi yan. 55,000.
Ilang buwan ding pambayad sa kuryente yun.
Tumambay na lang ako sa 7/11 at naghintay na matapos ang klase. Medyo naidlip pa nga ako buti na lang may tumawag kundi baka makalusot yung babae.
"Hello" Sagot ko dito.
"Alam mo na ba yung pangalan hahaha?" Medyo maingay sa back ground. Buti pa sila nagkakasiyahan.
"Hayzz hindi pa"
"Punta ka kaya muna dito?" Umiling iling ako kahit hindi ako nito nakikita. Mukhang tanga lang diba?
"Hindi na. Masyadong maikli yung 7 days." Asar na sabi ko.
"Sige baba ko na.. good luck ah! Maganda naman yung chicks eh" Sabi pa nito.
BINABASA MO ANG
Seven Days
Ficção AdolescenteIsang pustahan lang naman ang pinagmulan. Dapat maging sila ng pampitong papasok sa loob ng 7/11 sa loob ng pitong araw. Isip bata kung titignan. Pero paano kung dahil sa pustahan na iyon ay makilala nya ang taong mamahalin nya hindi ng pitong araw...